162 total views
Nagpahayag ng pakikiramay si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kay San Jose Bishop Roberto Mallari dahil sa pagkamatay ng kanilang pari na si Fr. Marcelito ‘Tito’ Paez.
Tulad ng mga nagmamahal kay Fr. Paez, umaasa rin si Cardinal Tagle na makakamit ng pari ang katarungan at paghihilom.
“The Archdiocese of Manila joins Bishop Roberto Mallari, the clergy, religious and lay faithful of San Jose Nueva Ecija in their appeal for justice and healing. We pray for the change of heart of the those who planned and executed the killing. Lord, make us a people who will spread kindness, respect, understanding, truth, justice, reconciliation and hope,” ayon sa mensahe ni Cardinal Tagle.
Una na ring kinondena ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija ang pagpatay kay Fr. Paez na kilalang nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at magsasaka.
Si Fr. Paez, 72 taong gulang ay nagsilbi sa Diocese ng San Jose, Nueva Ecija sa loob ng 32 taon.
Siya rin ay aktibong miyembro ng Rural Missionariea of the Philippines at ng Promotion of Church Peoples Response.
Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco, binibigyang halaga nito ang pagkikisalamuha at pagtulong ng mga pari sa kaniyang kapwa hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa mga usaping panlipunan.