VeritasPH

The Word, The Truth

Tatak “drug-free”?

SHARE THE TRUTH

 168 total views

Mga Kapanalig, maliban sa pagkakaroon ng magagandang tanawin, masasayang kapistahan, at masasarap na pagkain, may mga lugar sa ating bansa ang nagpupursiging makilala bilang “drug-free.” Halimbawa nito ang lungsod ng Ormoc sa Leyte, at ang mga probinsya ng Batanes at Romblon na wala raw bentahan ng ipinagbabawal na droga.
At ginagamit na rin ang “tatak” na “drug-free” sa mga pamilya. Sa isang paaralan, pinagpalista ng isang guro ang mga magulang sa isang papel na may pamagat na “Ang aming pamilya ay drug-free”. Inireklamo ito ng isang magulang, lalo pa’t paliwanag daw ng guro, mangangahulugan daw na may drug addict sa pamilya kung wala sila sa listahan. Tama lamang na umalma ang magulang dahil para bang tinatatakan ang mga bata at ang kanilang pamilya, lalo na ngayong umiiral ang isang kampanya kontra droga na para bang kahit sino ay maaari na lang patayin kahit batay lamang sa hinala o bintang ang pagkakasangkot nila sa droga.

Nilinaw ng Department of Education (o DepEd) na wala itong direktiba sa mga paaralan upang tanungin ang pamilya ng mga mag-aaral kung drug-free sila. Paliwanag naman ng pamunuan ng paaralan, simpleng attendance sheet lamang daw iyon para sa kanilang aktibidad kaugnay ng Drug Abuse Prevention and Control Week. Inamin naman ng guro na biro lamang daw ang kanyang sinabi. Hindi natin alam kung may iba pang gurong kayang magbitiw ng ganitong klase ng biro sa gitna ng mga nagaganap na kaliwa’t kanang patayan. Hindi katanggap-tanggap ang birong ito dahil maaaring malagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga pamilya, drug-free man sila o hindi.

Habang marami sa atin ang abalá sa pagsubaybay sa mga napapatay bunsod ng giyera kontra droga ng administrasyon, hindi natin namamalayang nakapasok na sa mga paaralan ng ating mga anak ang paghahanap sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Nagsimula ito sa mandatory-drug testing na ipinapatupad na ng DepEd. Mainam kung layunin nitong tulungan ang mga bata upang huwag nang humantong sa pagkalulóng ang paggamit nila ng droga. Gayunman, hindi pa rin malinaw kung ano ang programang pagdaraanan ng mga estudyanteng positibong gumagamit ng droga, nang hindi mailalantad ang kanilang pagkakakilanlan. Mapanganib po kasing maging “tatak” ng isang bata ang pagiging “drug user” lalo na’t agad silang itinuturing ng mga tao bilang mga kriminal sa halip na mga taong may medikal na pangangailangan.

Bilang mga institusyong humuhubog sa dunong at pagkatao ng mga bata, inaasahan ang mga paaralan na maging lugar kung saan pinapahalagahan at iniingatan ang katotohanan. Ngayong patuloy ang war on drugs ng pamahalaan, nasa kritikal na posisyon ang mga paaralan upang turuan ang kabataan tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa proseso ng batas, sa halaga ng buhay at dignidad ng tao, at sa paggalang sa mga karapatang pantao. Tungkulin din ng mga paaralang ituwid ang mga baluktot na pananaw at paniniwala, hindi ang ilagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng kanilang pamilya para lamang sundin ang kagustuhan ng mga pinunong karahasan at takot ang nais palaganapin.

Para sa Simbahan, hinihingi ng modernong panahon ang “intensive educational efforts and commitment for the quest for truth,” ang masinsinang pagtuturo at pagtataya sa paghanap sa katotohanan. Ang ating mga paaralan, sa pangunguna ng mga guro, ay may malaking papel dito.

Bantayan natin, mga Kapanalig, ang kaligtasan ng mga bata laban sa mga patakaran—o kahit mga pagbibiro—sa kanilang paaralan na maaaring ilagay sa alanganin ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagtatatak sa kanila bilang “drug-free.” Subaybayan din sana ng DepEd ang mga paaralan, nang sa gayon ay maging kampante ang mga magulang na ang kanilang mga anak ay nasa pangangalaga ng mga gurong marunong humubog ng pagkatao at hindi nagbibitiw ng mga maling biro.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,688 total views

 5,688 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,673 total views

 13,673 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 21,209 total views

 21,209 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 37,195 total views

 37,195 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 45,239 total views

 45,239 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 5,689 total views

 5,689 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 13,674 total views

 13,674 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 21,210 total views

 21,210 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 37,196 total views

 37,196 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 45,240 total views

 45,240 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,507 total views

 45,507 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,932 total views

 43,932 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,718 total views

 45,718 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,643 total views

 42,643 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,957 total views

 56,957 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,647 total views

 60,647 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,250 total views

 59,250 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,237 total views

 69,237 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,205 total views

 73,205 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,092 total views

 84,092 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top