Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katatagan ng bayan, nagsisimula sa barangay

SHARE THE TRUTH

 305 total views

Mga Kapanalig, kilala ba ninyo ang kapitan ng inyong barangay? Siya ba ang inyong inihalal?
Kung si Pangulong Duterte ang tatanungin, mas gugustuhin niyang siya na lamang ang pumili at mag-appoint ng OIC o officer-in-charge ng ating mga barangay kung tuluyang ipagpalibang muli ang barangay elections na nakatakdang isagawa ngayong Oktubre. Katwiran niya, ang pagpapaliban sa barangay elections at ang pagpili niya ng mga OIC ay makatutulong upang matiyak na hindi mahahalal ang mga kandidatong pinopondohan ng mga drug lords. Paraan umano ito upang tuldukan ang tinatawag na narco-politics.
Matatandaang ito rin ang naging dahilan ni Pangulong Duterte kung bakit niya ipinagpaliban ang barangay elections noong nakaraang taon, na sinuportahan naman ng Kamara. Ang pagkakaiba nga lamang ngayong taon, sa halip na magpatuloy ang pamumuno ng mga nakaupo, ang gusto ng pangulo ay siya mismo ang maghirang ng hindi bababa sa 42,000 na OIC sa mga barangay sa buong bansa.
Sa inyong palagay, makatwiran bang ipagpalibang muli ang paghalal natin ng mga mamumuno sa ating mga barangay? Makatwiran din bang ilagay sa kamay ng iisang tao ang pagpapasya sa kung sino ang magpapatakbo ng ating barangay?
Sa maraming lugar, ang mga opisyal ng barangay ang unang tinatakbuhan sa tuwing may problemang sangkot ang mga magkakapitbahay. Ang pamahalaang pambarangay din ang may patakaran at proyekto para sa kaayusan at katahimikan ng ating lugar (katulad ng pagpapatupad ng curfew hours, paglilinis ng bangketa, at anti-rabies para sa mga aso). Sila rin ang unang antas sa sistemang pangkatarungan at nagpaplantsa ng mga gusot sa pagitan ng mga magkakabarangay. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaang pambarangay, kaya’t kapwa ang mga opisyal at ang mga naghalal sa kanila ay dapat na pinahahalagahan ang pananagutang nasa kanilang mga balikat. At dahil tayong mga nasa mga pamayanan ang pinakaunang naabot ng pamahalaang pambarangay, marapat lamang na tayo mismo ang pumili ng mga taong mamumuno sa atin, at hindi hayaang iisang tao lamang ang pumili, kahit siya pa ang pinakamataas na pinuno ng ating pamahalaan.
Isipin natin ang ganitong scenario: Paano tayo makapagpapahayag ng ating pagtutol sa mga nangyayaring patayan at paglabag sa karapatan pantao kung ang mga lalapitan natin sa barangay ay may utang na loob sa isang taong nagsusulong ng marahas na pagsugpo sa problema ng droga?
Inilalahad sa mga Catholic social teaching na pinakamainam ang pagtugon sa mga isyu at usaping nakaaapekto sa atin kung sisimulan at gagawin ito sa pinakamababang antas ng pamahalaan. Sa kaso natin, ito ay sa antas ng ating barangay. Ito ang prinsipyong kung tawagin sa Ingles ay subsidiarity.
Ayon sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, hinihingi ng prinsipyo ng subsidiarity mula sa pamahalaan na kilalanin ang kakayanan ng mga pamayanang gaya ng barangay na sama-samang tugunan ang kanilang mga suliranin. Samakatuwid, bagamat may pakialam ang mga namumuno sa ating pambansang pamahalaan sa mga nagaganap sa mga pamayanan at barangay, hindi dapat tapakan o alisan ng responsibilidad ang mga taong malayang pinili ng mga mamamayan na paglingkuran ang kanilang barangay.
Kung tototohanin ang paghirang ng mga OIC sa ating mga barangay sa halip na ituloy ang halalang pambarangay, para na ring tinanggalan ang mga mamamayan ng karapatang piliin ang kanilang mga pinuno sa barangay. Sa Catholic social teaching na Quadragessimo Anno, salungat sa prinsipyo ng subsidiarity ang pag-aalis sa isang indibidwal ng kalayaang gawin ang isang bagay na kaya na niyang gawin katulad ng pagpili ng kanyang lider.
Mga Kapanalig, sa huli, nasa ating mga kamay ang kahihinatnan ng ating barangay. Ang pagpili ng mga mabubuting mamumuno ng ating barangay ay tungkuling dapat nating gampanan at panagutan. Hindi sa iisang tao, kundi sa ating mga magkakabarangay nagmumula ang katatagan ng ating bayan, at nagsisimula ito sa ating mga barangay.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 29,916 total views

 29,916 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 37,252 total views

 37,252 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 44,567 total views

 44,567 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 94,888 total views

 94,888 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 104,364 total views

 104,364 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 29,917 total views

 29,917 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 37,253 total views

 37,253 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 44,568 total views

 44,568 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 94,889 total views

 94,889 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 104,365 total views

 104,365 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 76,946 total views

 76,946 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 83,205 total views

 83,205 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 97,522 total views

 97,522 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 82,889 total views

 82,889 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 70,480 total views

 70,480 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 83,082 total views

 83,082 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 78,395 total views

 78,395 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 83,328 total views

 83,328 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 133,888 total views

 133,888 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 139,047 total views

 139,047 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top