Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katotohanan ang pundasyon ng kasaysayan

SHARE THE TRUTH

 798 total views

Mga Kapanalig, naniniwala ba kayong ang kasaysayan o history ay parang tsismis?

Ilang linggo na ang nakararaan nang ihalintulad ng isang aktres ang kasaysayan sa tsismis. Gaganap ang aktres bilang anak ng diktator at dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa isang pelikula tungkol sa huling araw ng pamilya bago ang People Power Revolution noong 1986. Para sa ilang eksperto at kritiko, bahagi ang pelikula ng malawakang historical revisionism o pagbaluktot sa kasaysayan  ng Martial Law.

Umani ng batikos, lalo na mula sa mga historyador, ang naging pahayag ng aktres na tila ba pangmamaliit sa disiplina ng kasaysayan at paghahalintulad lamang nito sa tsismis o gawa-gawang kuwento. Ayon kay Dr. Ambeth Ocampo, isang kilalang historyador sa bansa, huwag tayong malito sa kasaysayan at tsismis. Maaaring may kinikilingan o bias ang kasaysayan ngunit nakabase ito sa tunay na mga pangyayari o facts, hindi sa mga opinyon. Ang tunay na kasaysayan ay tungkol sa katotohanan, hindi sa kasinungalingan o kathang-isip. Mayroong mga sumang-ayon at sumuporta kay Dr. Ocampo pero dinumog din siya ng mga loyalista ng mga Marcoses at mga trolls sa social media. Tinawag siyang “yellow historian”, bayaran, at kung anu-ano pang masasamang salita. Nauwi sa paninirang-puri o ad hominem attacks laban kay Dr. Ocampo ang debate sa isyu.

Dahil dito, nagsalita ang mga grupo ng historyador upang ipagtanggol si Dr. Ocampo. Para sa Tanggol Kasaysayan, nasayang ang pagkakataong malalim na mapag-usapan ang halaga ng kasaysayan dahil sa mga paninirang-puri na ibinato kay Dr. Ocampo. Naninidigan ang grupong sinusuportahan nila si Dr. Ocampo sa pagwawasto sa tila mababang pagtingin sa disiplina ng kasaysayan, lalo na sa mahalagang papel nito sa paggawa ng mga totoong kaalaman tungkol sa ating nakaraan.

Kinundena naman ng Network in Defense of Historical Truth and Academic Freedom ang mga panlalait kay Dr. Ocampo. Tanong nila: kung ganito ang inaaabot ng kagalang-galang na historyador sa ating bansa, ano pa ang aasahan nating mangyayari sa mga ordinaryong taong tumitindig para sa katotohanan at kasaysayan? Nanawagan sa publiko ang grupong patuloy na manindigan para sa katotohanan at integridad.

Sa kabila ng mga reaksyong ito, muling naglabas ng video ang aktres kasama si Senadora Imee Marcos noong isang linggo. Pinanindigan ng aktres na ang kasaysayan ay tsismis lamang, ngunit ngayon daw ay “napatunayan dahil sa ebidensya at research.” Sumang-ayon naman ang senadora: “History is tsismis with methodology, analysis, and proof.” Pangmamaliit pa rin ang mga salitang ito sa importansya ng kasaysayan at sa papel nito sa kaunlaran ng ating bayan.

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin nating mga Kristiyanong manindigan, pangalagaan, at isulong ang katotohanan. Responsibilidad nating maging saksi ng katotohanan sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Hindi natin makakamit ang maayos, mapayapa, at maunlad na lipunan kung hindi ito nakabatay sa katotohanan. Kaakibat ng paninindigan sa katotohanan ay ang pagtataguyod sa dignidad ng tao. Kung tutugunan lamang natin ang mga suliranin ng ating bayan batay sa katotohanan, maiwawaksi natin ang mga pang-aabuso at maisusulong natin ang dignidad ng lahat.

Sinasabi nga sa Juan 8:32, “Ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” Paano tayo magiging malaya kung sa gitna ng teknolohiya at mabilis na access ng marami sa impormasyon ay pinipili nating baluktutin ang katotohanan? Makakamit ba natin ang tunay na kalayaan kung binabastos natin ang mga taong ipinagtatanggol ang katotohanan?

Mga Kapanalig, katotohanan ang pundasyon ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay nagbibigay sa atin ng mga aral mula sa nakaraan para sa mas matalinong paghakbang sa hinaharap. Hindi tsismis lamang ang kasaysayan. Ito ay masusing paghahanap sa katotohanan, isa itong disiplina sa pagdiskubre ng kahulugan sa ating mga karanasan. Manindigan tayo para sa katotohanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,144 total views

 13,144 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,625 total views

 20,625 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,765 total views

 33,765 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,738 total views

 39,738 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 45,492 total views

 45,492 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,145 total views

 13,145 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,626 total views

 20,626 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 33,766 total views

 33,766 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 39,739 total views

 39,739 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 45,493 total views

 45,493 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,060 total views

 41,060 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,144 total views

 42,144 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,525 total views

 37,525 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,529 total views

 49,529 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,571 total views

 57,571 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,128 total views

 49,128 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,553 total views

 47,553 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,339 total views

 49,339 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,264 total views

 46,264 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,578 total views

 60,578 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top