Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kayang-kaya ng kababaihan

SHARE THE TRUTH

 741 total views

Mga Kapanalig, mayroon ba sa inyong naniniwala pa ring may mga trabaho para lang sa mga lalaki o sa mga babae? O kaya nama’y gawaing mas kaya ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan?

Ayon sa resulta ng pag-aaral ng United Nations Development Programme (o UNDP), 99.5% o siyam sa sampu ng kabuuang populasyon sa Pilipinas ay mayroon pa ring “bias” laban sa mga kababaihan. Binanggit ng pag-aaral ang iba’t ibang “bias” o pagtingin o kaisipan laban sa mga kababaihan gaya ng mas mababang karapatan at kapasidad, na siyang nagiging dahilan para maging limitado ang oportunidad na nakalaan para sa kanila.

Ayon sa pagsusuri sa datos ng UNDP ng isang eksperto sa karapatan ng mga kababaihan, litaw sa dimensyon ng pulitika ang gender bias laban sa mga kababaihan. Tatlo sa apat ang naniniwalang mas angkop na magkaroon ng posisyon o manguna sa pamahalaan ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Malaking salik ang pagkakaroon ng lider ng estado na lantarang nagpapakita ng pagkapoot sa mga babae sa pamamagitan ng diskriminasyon, paninira, at karahasan. Kabilang din sa pag-aaral ang dami at laki ng inaasahang mga “dapat” na ginagawa ng mga kababaihan. Halimbawa nito ang mga gawain sa loob ng bahay na kalimitang tinitingnan bilang para sa mga kababaihan lang gaya ng paglilinis, pagluluto, pag-aalaga ng mga bata o iba pang miyembro ng pamilya, at marami pang iba.

Bagaman may pag-usad na sa aspeto ng gender equality gaya ng pagsusulong sa mga programa, batas, at polisiya para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, nananatiling hindi patas ang lipunan para sa kababaihan. Isang katotohanang patuloy ang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan sa istruktura ng ating lipunan dahil talamak pa rin ang mababang pagtingin sa kakayahan ng mga kababaihan. Ang mas nakalulungkot, 99.67% ng mga babae mula sa pag-aaral ay mismong may bias laban sa kanilang kasarian. Ibig sabihin, para sa kanila, “natural o hindi maiiwasan” ang mga ganitong pagtingin laban sa kanilang kasarian. Nakalulungkot ang pagtanggap ng mismong mga kababaihan sa kanilang katayuan sa lipunan at ipinakikita lamang nito na mas kailangan pang pag-igihin ang mga pagsisikap ng ating mga komunidad at ng pamahalaan sa pagbibigay-kapangyarihan sa hanay ng mga

kababaihan. Dahil dito, kailangan pang itaas ang kamalayan ng bawat isa sa atin tungkol sa mga isyung kinahaharap ng mga kababaihan na siyang nagiging hadlang para sa kanilang pag-unlad.

Mga Kapanalig, hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga kababaihan mula sa loob ng ating mga tahanan hanggang sa lipunan. Huwag natin hayaang pasanin ng mga kababaihan ang diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay na naididikit sa kanilang kasarian. Sinabi ni Pope Francis na kaloob sa lipunan ang mga kababaihan, ngunit magpapatuloy ang laban nila para sa kanilang mga pangunahing karapatan hangga’t may mga lugar sa mundo kung saan hindi pantay na pinahahalagahan ang mga kababaihan. Para sa Santo Papa, kapuna-puna ang pagtrato sa mga kabbaihan bilang “second-class citizens”. Aniya, hindi raw susulong o lalago ang isang lipunang hindi inilalagay ang mga kababaihan sa nararapat nitong estado sa lipunan.

Gaya rin ng paalala sa Efeso 2:14, sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesukristo, pinagkasundo niya tayo. Pinag-isa niya ang ang dalawang magkaibang grupo sa pamamagitan ng paggiba sa pader na naghihiwalay sa atin. Panahon na para makita at ituring natin ang mga kababaihan na malayang ipakita at gawin ang anumang ginagawa ng mga kalalakihan dahil kayang-kaya itong higitan ng mga kababaihan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,624 total views

 1,624 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,597 total views

 7,597 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,352 total views

 13,352 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,615 total views

 20,615 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,600 total views

 28,600 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,625 total views

 1,625 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,598 total views

 7,598 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,353 total views

 13,353 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,616 total views

 20,616 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,601 total views

 28,601 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,116 total views

 35,116 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,120 total views

 47,120 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,162 total views

 55,162 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,719 total views

 46,719 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,144 total views

 45,144 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,930 total views

 46,930 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,855 total views

 43,855 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,169 total views

 58,169 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,859 total views

 61,859 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,462 total views

 60,462 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top