Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kilalanin ang mga ‘comfort women’

SHARE THE TRUTH

 2,897 total views

Mga Kapanalig, karaniwang inaalala ng isang bayan ang mga mapapait ngunit mahalagang pangyayari sa kasaysayan nito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bantayog. Kaya naman noong Disyembre, naglagay ang National Historical Institute, katuwang ang isang pribadong foundation, ng bantayog ng isang babaeng nakapiring at lumuluha sa Baywalk Area ng Roxas Boulevard. Simbolo iyon ng mga tinaguriang “comfort women”, mga babaeng biktima ng sekswal na karahasan noong nasa ilaliim tayo ng pananakop ng mga Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gaya ng inaasahan, tinutulan iyon ng bansang Japan.

Makalipas ang apat na buwan, naglahong parang bula ang kontrobersyal na bantayog. Ayon sa Department of Public Works and Highways, dadaanan daw ng drainage improvement project ang pinagtayuan ng bantayog, at nilinaw nitong ang lokal na pamahalaan ng Maynila ang nagtanggal niyon. Ayon naman sa lokal na pamahalaan, sinunod lang daw nila ang utos ng DPWH.

At mukhang pabor si Pangulong Duterte na alisin ang nasabing bantayog. Dalawang araw matapos alisin iyon, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi patakaran ng kanyang pamahalaang galitin ang ibang bansa—maliban na lang siguro sa Estados Unidos at European Union. Bagamat hindi raw siya tutol sa pagkakaroon ng isang bantayog para sa mga comfort women dahil bahagi raw ito ng freedom of expression, iminungkahi niyang ilipat sa isang pribadong lote ang bantayog dahil hindi raw dapat insultuhin at galitin ang bansang Japan sa pamamagitan ng pag-ungkat sa isyu ng mga comfort women. Sabi pa ng pangulo, kinilala naman na raw ng Japan ang naging pagkakamali nito—mali po ito, mga Kapanalig, dahil hindi kailanman opisyal na humingi ng paumanhin ang bansang Japan para sa kalupitang ginawa ng mga sundalo nito sa mga Pilipinang comfort women. Matagal ng hinihingi ng mga comfort women sa Pilipinas, sa pangunguna ng kanilang organisasyon, ang Lila Pilipina, ang opisyal na paghingi ng tawad at pagbabayad-danyos ng pamahalaang Japan.

Sa pag-aalis ng isang tagapagpaalala sa malupit na pinagdaanan ng mga Pilipinang inabuso noong panahon ng Hapon, mistulang isinantabi muli ang panawagan ng mga nabubuhay pang comfort women para sa katarungan at para sa pagpapanumbalik ng kanilang dignidad.

Malaki ang pagpapahalaga natin sa Simbahan sa angking dangal ng bawat tao, dahil para sa atin, nakaugat ito sa ating pagiging kawangis ng Diyos na lumikha sa atin. Sa isang liham, sinabi ni St John Paul II na ang kasalukuyang kalagayan ng kababaihan ay nag-uugat sa mahabang kasaysayan ng mababang pagtingin sa kanila ng lipunan, maging ng ilang sektor ng Simbahan. Kitang-kita ito sa sekswal na karahasang ginagawa sa kanila, sa pagturing sa kanila bilang mga “bagay” na maaari nang iwan matapos pakinabangan; ganito po ang dinanas ng mga comfort women. Kaya naman kaisa ang Simbahan sa mga panawagan para sa mga patakarang mangangalaga at magtataguyod sa dignidad ng mga babae, lalo na ang mga hakbang na ililigtas sila laban sa sekswal na karahasan.
Para sa ilan, simpleng simbolo lamang ang bantayog ng isang comfort woman sa isang lansangan sa Maynila, at wala itong mabigat na halaga. Ngunit sa isang bayang mabilis makalimot at nabubulag-bulagan sa katotohanan ng pang-aabuso sa kababaihan, sa isang lipunang walang pagpapahalaga sa kasaysayan, mahalaga ang ganitong mga bantayog, hindi upang paigtingin ang poot sa puso ng mga tao laban sa mga mapang-abuso, kundi upang mabigyan ng katarungan ang mga pinagkakaitan nito at upang hindi na maulit pa ang pagkakamali ng nakaraan.

Sa huli, mga Kapanalig, hindi natatapos sa pagtatayo ng mga bantayog ang paghanap ng katarungan para sa mga comfort women. Kailangang panatilihing maalab ito sa ating kamalayan (lalo na sa mga kabataan). At mangyayari lamang ito kung ang kanilang alaala ay pinapanatiling buháy sa ating gunita at sa kasaysayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,310 total views

 2,310 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,283 total views

 8,283 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,038 total views

 14,038 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,301 total views

 21,301 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,286 total views

 29,286 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,311 total views

 2,311 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,284 total views

 8,284 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,039 total views

 14,039 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,302 total views

 21,302 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,287 total views

 29,287 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,177 total views

 35,177 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,181 total views

 47,181 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,223 total views

 55,223 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,780 total views

 46,780 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,205 total views

 45,205 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,991 total views

 46,991 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,916 total views

 43,916 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,230 total views

 58,230 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,920 total views

 61,920 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,523 total views

 60,523 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top