Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 608 total views

Homiliya para sa Linggo ng Laetare, Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma, Juan 9:1-41

“Laetare” ang tawag nating mga Katoliko sa ikaapat na Linggo ng Kuwaresma. Kung merong Gaudete sa Pangatlong Linggo ng Adbiyento, meron ding Laetare sa Pang-apat na Linggo ng Kuwaresma. Magkaibang bokabularyo, pero pareho din ang ibig sabihin: MAGALAK! Kaya ang madilim na kulay ube ay liliwanag at magiging kulay rosas. Para bang preview ito ng liwanag na hatid ng Paskong Pagkabuhay.

Kaya siguro natataon sa araw na ito ng Laetare ang pagbasa tungkol sa pagpapagaling sa taong bulag mula pa sa pagkapanganak. Siya ang larawan natin ng mabuting balita na hatid ni HesuKristo sa atin—isang taong nakasilay ng liwanag sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang bulag na pulubi sa kuweno ay hindi katulad ng ibang mga bulag na pinagaling ni Hesus sa mga ebanghelyo. Karamihan sa kanila ay dating malinaw ang mata ngunit lumabo at nabulag pagtanda dahil sa sakit. Itong taong ito, hindi pa nakaranas na makakita ni minsan sa buhay niya. Kaya nga siya lumaking nagpapalimos . Dalawang bagay ang bibigyan natin ng pansin sa kuwento: una, merong dalawang yugto ang kuwento ng paggaling ng bulag, at pangalawa, pinalayas siya mula sa pinagpapalimusan niya.

Simulan natin sa una, nakita muna niya ang paligid niya for the first time. Pagkatapos, nakita niya si Hesus at sinamba niya. Dalawang bagay ito: ang makakita sa pisikal na mata at makakita sa mata ng pananampalataya.

Kay San Markos, may dalawang kuwento ng pagpapagaling na medyo hawig sa kuwentong narinig natin kay San Juan. Una, iyung bulag na taga-Bethsaida sa chapter 8 ni San Markos, vv22-26. Dalawang yugto rin ang pagpapagaling sa kanya: sa una, nakasilay na siya ng liwanag pero malabo pa ang paningin niya. Kaya inulit ni Hesus ang proseso at pagkatapos, luminaw na. Sa chapter 10 naman ni San Markos, vv.46-52, naroon ang kuwento ng pulubing si Bartimeo: may dalawang yugto rin. Sa una, gamit ang pandama kahit walang nakikita, lumapit si Bartimeo kay Hesus. Sa pangalawa, nang gumaling siya at nakakita, sumunod siya kay Hesus at naging alagad o disipulo.

Dito sa binasa natin, nang hugasan ng bulag na pulubi ang mga mata niya at nakakita siya, wala si Hesus sa tabi niya. Kaya hindi niya alam kung sino ang nagpagaling sa kanya. Palagay ko sinadya ito ng Panginoon dahil ayaw niyang pagkaguluhan siya. Pagkatapos na ng mga interogasyon na gagawin ng mga Pariseo sa pulubi, saka lang niya makakatagpong muli si Hesus. Silang dalawa na lang. Noon siya tatanungin kung naniniwala ba siya sa Anak ng Tao at ang isasagot niya ay, “Sino po siya para maniwala ako sa kanya?” Noon sasabihin ni Hesus, “Ako siya, ang taong nakikita mo ngayon sa harapan mo.” Noon siya magpahahayag ng kanyang pananampalataya at sasamba kay Hesus. Ito ang tinatawag kong pangalawang yugto ng pagsilay niya ng liwanag, ang liwanag ng pananampalataya o pagkilala kay Hesus bilang Anak ng Diyos at kanyang Tagapagligtas.

Noon sasabihin ni Hesus sa Juan 9:39, “Naparito ako sa mundo … upang ang hindi nakakakita ay makakita, at ang mga nakakakita ay mabulag.” Obvious ba kung sino ang pinatatamaan ni Hesus? Ang mga Pariseong walang nakikitang mabuti sa pangyayari—isang taong bulag mula sa pagkabata ang biglang nakakita. Pero wala silang nakikita kundi ang paglabag sa batas ng Sabbath.

Ibang klaseng kabulagan ito, hindi makita ang kamay ng Diyos sa pangyayari dahil pinadilim ang kanilang mga isip ng pagkainggit at pagkamuhi kay Hesus. Hindi naman talaga lahat ng tumingin o nakinig kay Hesus ay sumampalataya sa kanya. Ibang klaseng pagpapagaling ang kailangan para dito—pagbubukas ng esiritwal na mata. Hangga’t hindi nabubuksan ang mata ng pananampalataya, talagang hindi makikita ng tao ang pagkilos ng Diyos sa buhay niya, hindi makikita ang mapagkalingang kamay ng Diyos sa mga karanasan niya. Kaya siguro PAGKAMULAT ang tawag natin sa pag-unawa. “Ah, nakikita ko na ang ibig mong sabihin!” Ito ang nasasabi ng tao kapag naiintindihan na niya ang sinasabi ng kanyang kapwa.

Pansinin naman natin ngayon ang dulo ng kuwento. Pinalayas daw ang dating pulubi mula sa puwestong pinagpapalimusan niya. Parang ganoon din ang naranasan ng maraming mga Hudyo na yumakap sa pananampalatayang Kristiyano—pinalayas din sila mula sa mga sinagoga. Kung masakit ang mapalayas, palagay ko dito hindi.

Di ba matamis sa pandinig ng pulubi ang “Lumayas ka dito.”? Simula na ito ng bagong buhay para sa kanya. Hindi na siya bulag; hindi na niya kailangang umasa sa limos ng iba. Pwede na siyang magtrabaho, magtrabaho hindi lang para kikitain kundi para sa kaharian ng Diyos. Hindi lang nanauli ang silbi niya sa buhay, nanauli rin ang layunin at misyon niya bilang tao, ang dangal niya bilang anak ng Diyos, na tinanggap niya bilang regalo mula sa Anak ng Diyos.

Iyun marahil ang tinutumbok ni San Juan kung bakit sinabi pa niya na ang kahulugan ng salitang Siloam na pangalan ng balon kung saan naghugas at nakakita ang pulubi ay SUGO. Sa pagsamba niya kay Hesus, magsisimula rin ang kanyang pagiging sugo. Ang katapusan ng kanyang buhay pulubi ay simula ng kanyang buhay-alagad at sugo.

Ang punto: ito ang tunay na pagpapagaling na hangad ni Hesus—hindi lang ang mabuksan ang mga mata ng tao, kundi ang mamulat siya sa tunay na kahulugan ng buhay, ang tunay na layunin nito. Marami na akong nakilalang mga tao na malaki ang kinikita pero walang nakikitang saya, kabuluhan o kaligayahan. May isang linya sa Book of Revelation 3:17-18 na parang ganito rin ang mensahe:

“Sinasabi ninyo na mayaman kayo, sagana sa lahat ng bagay at wala nang pangangailangan. Ngunit hindi nʼyo alam na kaawa-awa kayo dahil dukha kayo sa pananampalataya, bulagsa katotohanan at hubad sa paningin ng Dios . Kaya pinapayuhan ko kayong bumili sa akin ng ginto na dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo. Bumili rin kayo sa akin ng puting damit upang matakpan ang nakakahiya ninyong kahubaran, at pati na rin ng gamot sa mata upang makita ninyo ang katotohanan.” Pahayag 3:17-18

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,998 total views

 42,998 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,479 total views

 80,479 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,474 total views

 112,474 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,213 total views

 157,213 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,159 total views

 180,159 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,417 total views

 7,417 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,995 total views

 17,995 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PERSEVERANCE

 8,776 total views

 8,776 total views HOMILY for my canonical Installation at the Titular Church of the Transfiguration in Rome — 29th Sunday, in Ordinary Time, 19 Oct 2025,

Read More »

SUNDIN ANG LOOB MO

 20,068 total views

 20,068 total views Homiliya para sa Miyerkules sa Ika-27 Linggo ng KP, 8 Oktubre 2025, Luk 11:1-4 Dalawa ang bersyon ng Panalanging itinuro ng Panginoon sa

Read More »

ANG DIYOS NA NAGLILINGKOD

 15,782 total views

 15,782 total views Homiliya para sa Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon – Oktubre 5, 2025 (Lk 17:5-10) Noong una, akala ko nagkamali si San Lucas sa

Read More »

WALANG PAKIALAM

 17,430 total views

 17,430 total views Homiliya para sa ika-26 Linggo ng KP, 28 Setyembre 2025, Amos 6:1a,4-7; Lukas 16:19-31 Sa isang rekoleksyon minsan binasa ko ang kwento ng

Read More »

GUSTONG YUMAMAN?

 16,753 total views

 16,753 total views Homiliya – September 19, 2025 Friday of the 24th Week in Ordinary Time, 1 Timoteo 6:2c–12, Lukas 8:1–3 Kamakailan, nag-celebrate ng birthday ang

Read More »

KAMUHIAN?

 15,512 total views

 15,512 total views Homiliya – Bihilya Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon, Triduum Mass para sa Birhen ng Nieva, 6 Setyembre 2025, Lk 14:25–33; Salmo 90 Napakalakas

Read More »

ENTIRE CUM ECCLESIA, SENTIRE CUM CHRISTO

 25,403 total views

 25,403 total views HOMILY for the Episcopal Ordination of Bishop Dave Capucao, 5 September 2025, Isa 61:1-13; Romans 14:1-12; John 10:11-16 Minamahal kong bayan ng Diyos

Read More »

MALINAW NA LAYUNIN

 21,043 total views

 21,043 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon, 3 Setyembre 2025, Lucas 4:38–44 “Dahil dito ako isinugo.” Mga kapatid, ngayong araw

Read More »
Scroll to Top