1,348 total views
Ito ang panawagan ni Palo Archbishop John Du sa isinagawang Walk for Life 2023 sa Arkidiyosesis ng Palo noong ika-18 ng Marso, 2023 na may temang “Clergy and lay faithful called to walk together for life”.
Ayon sa Arsobispo, tanging ang Diyos lamang ang nagmamay-ari at may karapatan sa buhay na kanyang ipinagkaloob sa bawat nilalang.
“Life is not ours it is owned by God that’s why maganda [yung sinabi] ng ating mga speakers kanina… very to the point sila agad that life is really should have given importance, we have to uphold [life], that’s why in this ‘Clergy and lay faithful Walk for Life’ we are upholding the sanctity of human life.” Ang bahagi ng pagninilay ni Palo Archbishop John Du.
Nakiusap ang Arsobispo na ang buhay na ipinagkaloob ng Panginoon ay dapat na higit na pagyabungin at pagyamanin sa pamamagitan ng matapang na pagharap sa anumang mga pagsubok at hamon sa buhay.
Tinukoy ni Archbishop Du na hindi kailanman dapat na ikonsidera ng sinuman ang pagkitil sa sariling buhay sa kabila ng anumang mga problema at pagsubok sapagkat bahagi ng buhay ang pagharap sa mga pagsubok.
Pinayuhan ng Arsobispo ang bawat isa na huwag mawalan ng pag-asa o panghinaan ng loob dahil sa gitna ng mga pagsubok ay higit na masusumpungan ang habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.
“Lahat tayo binibigyan ng biyaya ng Diyos… a gift that has o be shared, a gift that has to be nurtured na binigyang tayo ng biyaya itong buhay na ito has many things to offer, many things to explore kaya if you are going to kill yourself kapag namatay ka wala na, no more things to explore, no more to discover in life. The problems, difficulties, hardship, pain, they are just less. Life is more than pain, life is more than problems, life is more than any trouble and any what we called hardship in life, because in life when there is hardship, when there is difficulty, when there is problem you’ll going to experience the mercy of God.” Dagdag pa ni Archbishop Du.
Matatandaang ika-18 ng Pebrero, 2023 ng unang isinagawa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang taunang Walk for Life 2023 na may temang ‘SANAOL (synodality, accompaniment and nearness) among the advocates of life’.
Una ng binigyang diin ni SLP President Raymond Daniel Cruz, Jr. na ang walk for life ay paalala sa bawat isa na ang Diyos ay tuwinang nakikiisa at nakikilakbay sa buhay ng bawat nilalang.