Korupsyon at ang Bahagi ng Mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Kapanalig, naniniwala ba kayo na ang korupsyon ay nakadikit na sa ating pagkatao at hindi na ito matatanggal sa ating lipunan?

Maraming mga Pilipino ang nawawalan na ng pag-asa sa korupsyon na nangyayari sa ating paligid. Sa ngayon nga, base sa Corruption Index ng Transparency International, pang 115 ang ranggo natin sa 185 countries, at sa posibleng score na 100, 34 lamang ang nakuha natin. 113 ang ranggo natin noong 2019, at 99 noong 2018. Malayo ang binagsak natin sa loob ng tatlong taon.

Mas masakit ang korupsyon ngayon, kapanalig, dahil kahit na sa gitna ng napakahabang pandemya, marami pa rin sa paligid natin ang namiling mangloko ng kapwa. Ang nakakalungkot, wala man lang nahuling big-time na mandarambong, at wala ding nakasuhan sa mga malalaking isyu ng korupsyon sa ating bansa ngayon.

Isa sa mga dahilan kung bakit naglilipana ang korupsyon sa bayan ay ang kawalan o absence ng check and balance sa ating lipunan. Kung hindi ninyo napapansin, kapanalig, wala na masyadong whistleblowers sa paligid natin, o mga matatapang na mamamayan na handang magsiwalat ng korupsyon sa kanyang hanay.

Nawalan na rin ng boses ang civil society, na dati ay namamayagpag. Matumal na ngayon ang mga grupong nagsisiwalat ng mga hinaing ng lipunan o nagbibigay boses sa mga aspirasyon ng mamamayan. Bawas na ang boses ng prinsipyo sa ating kapaligiran. Sa pagtahimik, kapanalig, ng mga dissenting voices sa ating paligid, natabunan na rin ang integridad ng ating lipunan.

Hindi natin masisisi ang pananahimik ng marami sa ating hanay. Noong tinatag ang mga community pantries, sa halip na sumaya ang lipunan dahil mababawasan na ang gutom, hindi ba’t pinagbintangan pa ang mga ordinaryong mamamayang nagtaguyod nito bilang mga NPA? Hindi ba’t nakatanggap sila ng death at rape threats? Kung magrereklamo pa sila ng korupsyon, ano pa kaya ang maaring gawin sa kanila?

Bilang bahagi ng Simbahan, ayon sa Justicia in Mundo, obligasyon nating ihayag ang katarungan, at ang mga insidente ng inhustisya o kawalan ng katarungan sa ating lipunan. Bahagi ito ng ating misyon sa pagbibigay saksi sa pag-ibig at katarungang tinuturo sa atin ng Ebanghelyo.

Hangga’t binubusalan ang mga mamamayan, lalong kakalat ang korupsyon sa ating lipunan. Hangga’t hindi tayo makakapag-bahagi ng mga nakikita nating pandaraya sa lipunan, tuluyang mabubulok ang ating moralidad.  Upang mabawasan ang korupsyon, kailangang maisakapangyarihan ang mamamayan upang siya mismo ang mag-demand o humingi ng accountability mula sa kinauukulan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 104,773 total reads

 104,773 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 243,084 total reads

 243,084 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 358,861 total reads

 358,861 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 475,031 total reads

 475,031 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 104,774 total reads

 104,774 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 243,085 total reads

 243,085 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 358,862 total reads

 358,862 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top