VeritasPH

The Word, The Truth

Krisis sa transportasyon

SHARE THE TRUTH

 1,659 total views

Mga Kapanalig, sa tinatawag na “Duterte Legacy Summit” na ginaganap noong katapusan ng Mayo, ipinagmalaki ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na napabuti ng gobyerno ang transportasyon sa bansa at naging maginhawa ang pagbibiyahe ng mga Pilipino sa nakalipas na anim na taon. Daan-daang paliparan at pantalan ang naipaayos at naipatayo. Kilu-kilometrong riles ng tren ang kasalukuyang tinatapos. At marami pang proyekto ang nakalinya at malapit nang simulan. Hindi man daw nasolusyunan ng kagawaran ang lahat ng problema natin sa transportasyon, tanggapin daw nating marami itong nagawa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ngunit tila pikit-mata ang ating pamahalaan sa araw-araw na kalbaryo ng mga ordinaryong mananakay dito sa Metro Manila, kung saan tinatayang 12 milyong mananakay ang dumadaan sa mga lansangan nito bawat araw. Ipinagmamalaki ng DOTr ang libreng sakay sa MRT hanggang sa katapusan ng buwang ito, pero ilang oras ang hinihintay sa pila ng mga pasahero, oras na sana ay nagamit na nila sa mas produktibong gawain o pagpapahinga. Ganito rin ang dinaranas ng mga gumagamit ng EDSA bus carousel na magbibigay din ng libreng sakay hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

Gaya ng inaasahan, maraming mananakay ang natutuwa sa libreng sakay sa MRT, mga bus sa EDSA, at iba pang pampublikong saksakyan katulad ng mga de-aircon na dyip. Ngunit umaaray dito ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan. Nababawasan na raw ang kanilang mga pasahero, bagay na hindi nakatutulong lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng diesel ngunit hindi naman sila makapagtaas ng pamasahe. Ilang transport groups na rin ang humihirit ng taas-pasahe ngunit sinabi na ng DOTr na malabo itong mangyari sa nalalabing araw ng administrasyong Duterte. Noong isang linggo, pinayagan silang magtaas ng piso.

Maraming tsuper na nga ang piniling tumigil sa pamamasada at naghahanap na lang ng ibang mapagkakakitaan dahil luging-lugi sila sa kanilang gastos sa petrolyo kahit pa buong araw na silang bumibiyahe. At dahil nabawasan ang mga pumapasadang dyip sa mga pangunahing lansangan, dagsa ang mga commuters na nag-uunahang makasakay. Hindi na nga nila alintana ang COVID-19. Kahit na siksikan sa mga bus at jeep, titiisin na nila, makarating lamang sa kanilang trabaho o pupuntahan.

Sa huling walong linggo ng pagpapatupad ng libreng sakay sa ilang bus sa EDSA, gumastos na ang gobyerno ng anim na bilyong piso. Samantala, ang halagang sinasalo ng gobyerno sa bawat araw ng libreng sakay sa MRT ay umaabot sa halos limang milyong piso. Malaking halaga na ito para sa isang pansamantalang ayuda sa mga mananakay. Ayon sa National Center for Commuter Safety and Protection, mas mainam na gamitin ang mga pondong ito sa pagpapatupad ng permanenteng solusyon sa trapiko at pagpapahusay sa pampublikong transportasyon.

Gaya ng ipinahihiwatig sa Lucas 12:48, ang ating mga lider na “binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Dapat lamang na malaki ang asahan natin sa ating mga pinuno. Hindi tayo dapat makuntento sa mga pampalubag-loob at pansamantalang benepisyo—gaya ng libreng sakay—lalo pa’t may mga kababayan tayong nasasagasaan ng ganitong mga hakbang katulad ng mga tsuper. Sabi nga sa Catholic social teaching na Quadragesimo Anno, trabaho ng mga namumuno ang tiyakin ang kapakanan ng buong bayan at ng mga bumubuo nito. Hindi ito dapat nakatuon lamang sa pagpapabango ng imahe nila.

Mga Kapanalig, ilang administrasyon na nga ang dumaan ngunit problema pa rin natin ang pampublikong transportasyon lalo na rito sa Metro Manila, ang sentro ng komersyo ng bansa. Kung ayaw na itong tugunan ng papaalis na administrasyon, nawa’y sa ilalim ng papalit rito, mabibigyan ng pangmatagalang solusyon ang problemang ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 16,287 total views

 16,287 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,332 total views

 24,332 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,412 total views

 29,412 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,118 total views

 35,118 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,906 total views

 43,906 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 16,288 total views

 16,288 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 24,333 total views

 24,333 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,413 total views

 29,413 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,119 total views

 35,119 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,907 total views

 43,907 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,017 total views

 41,017 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,331 total views

 55,331 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,021 total views

 59,021 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,624 total views

 57,624 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,611 total views

 67,611 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,579 total views

 71,579 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,466 total views

 82,466 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,905 total views

 94,905 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,663 total views

 105,663 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,916 total views

 52,916 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top