Krus ang tunay na simbolo ng buhay at pag-ibig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 959 total views

Ito ang pagninilay ni Bishop Rex Andrew Alarcon sa ginanap na Misa ng Bayang Filipino sa pagsisimula ng ika-anim na Philippine Conference on New Evangelization sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas na magtatapos sa linggo sa ika-21 ng Hulyo.

Sa homiliya ng Obispo, sa Krus na nakabayubay si Hesus ay katunayan na siya’y nabuhay at nakipamuhay kasama ang mga tao sa daigdig.

“I thought the symbol of love is a heart, now I realized, it is more of the cross. Ang krus ay ang pag-ibig ng Diyos, ang krus ay ang pagliligtas ni Hesus. Sa krus ibinigay ni Hesus ang kanyang buhay upang tayo ay muling mabuhay,” pagninilay ni Bishop Alarcon.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa Krus ding ito pinasan ni Hesus ang kasalanan ng bawat tao at ating nasaksihan ang dakilang pag-ibig ng Panginoon.

Ang mensahe ni Bishop Alarcon ay bilang tugon sa karaniwang katanungan ng kabataan kaugnay sa pagdududa sa pananampalataya at sa pagmamahal ng Diyos.

“Ang Krus ay hindi patay na kahoy, buhay ang Krus. Nabuhay ang taong nakabayubay sa Krus, sa krus nasaksihan natin ang dakilang pag-ibig. Ang daan ni Hesus at ang lakad ni Hesus, ay ang daan at lakad ng Krus. Ito ang daan at paglalakad ng wagas na pag-ibig,” ayon pa sa pagninilay ng Obispo.

Si Bishop Alarcon ay kabilang sa mga pinakabagong Obispo ng simbahan na itinalaga ng Santo Papa Francisco ngayong taon at ang in-coming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth sa katatapos lamang ng plenary assembly.

Inihayag ng Obispo na ang pagmamahal ng Diyos ay dakila at para sa lahat sa kabila ng ating mga pagdududa at agam-agam.

Tema ngayong taon ang Filipino Youth Walking with Jesus na bahagi ng pagdiriwang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ng Year of the Youth bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 66,887 total views

 66,887 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 66,887 total views

 66,887 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 66,887 total views

 66,887 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 64,838 total views

 64,838 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 59,269 total views

 59,269 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top