Labor group, nababahala sa 11-milyong walang trabaho sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total views

Nakakatulong ang pagpapatupad ng mas maluluwag na panuntunan laban sa banta ng COVID-19 upang makabalik sa trabaho ang milyong bilang ng manggagawa.

Ito ang tugon ni Associated Labor Union – Trade Congress of The Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay matapos maitala ng social weathers station (sws) na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa 11.9-million sa 3rd quarter ng 2021 kumpara sa 13.5-milyong noong 2nd quarter.

“Ito ay nangangahulugan ng bahagyang pagbilis ng paggulong ng ating ekonomiya mula sa pagtigil nito noong March 2019. Dahilan ito ng pagbaba ng COVID19 daily infection rate at pagluluwag pa ng mga quarantine restrictions sa harap ng pandemya,”mensahe ni Tanjusay sa Radio Veritas.

Sa kabila nito ay nababahala si Tanjusay sa napakalaki paring bilang na higit sa 11-milyon mga walang trabaho.
Kaakibat ng suliranin ay ang pagtatala ng inflation rate sa 3rd quarter ng 2021 na umabot naman sa 4.8%, 4.6% at 4.2% na pinapaliit ang halaga ng kita ng mga manggagawa at pinapababa ang tiyansa na makabili ang mga ito ng mga masusustansyang pagkain.

Dahil ditto nanawagan si Tanjusay sa pamahalaan na paigtingin ang pagtulong sa mamamayan kasabay ng pagsasantabi ng pulitika, korapsyon at pang-sariling hangarin.

Sa pagsusulong ng Economy of Francesco ng mga youth at economic leaders mula sa ibat-ibang bansa ay naging panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang pagkakaroon ng mga sistemang pang-ekonomiya na hindi kakalimutan ang mga mahihirap at nangangailangan sa pagpapa-unlad ng ekonomiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,766 total views

 85,766 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,767 total views

 85,766 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,766 total views

 85,766 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 83,171 total views

 83,171 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 75,935 total views

 75,935 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top