Misa de Gallo sa mga parokyang tatamaan ng bagyong Odette, maaring makansela

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 716 total reads

Pinapayuhan ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na dadalo sa pagsisimula ng Simbang Gabi na unahin ang kanilang kaligtasan sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Odette.

Inaasahan na ang pagdagsa ng mga katoliko sa iba’t-ibang mga Parokya sa pagsisimula ng Misa de Gallo ngunit kasabay nito ang pag-landfall ng bagyong Odette sa ilang mga Probinsya sa Visayas at Mindanao bukas ika-16 ng Disyembre.
Ayon kay Rev. Fr. Bong Galas, Social Action Director ng Archdiocese of Cagayan De Oro bagamat marami sa mga mananampalataya ang nais na personal na dumalo sa pagdiriwang ng Simbang gabi ay dapat isaalang-alang muna ang kaligtasan mula sa pag-ulan at malakas na hanging dala ng bagyong Odette.

Aminado si Fr. Galas na nakahanda na ang kanilang mga Parokya sa pagsisimula ng Simbang gabi ngunit naapektuhan ito ng posibilidad naman ng pagtama ng bagyo.

“Medyo apektado po lalo na ang mga nasa rural areas delikado po sa mga tao na magsimba lalo na yun mga lugar na may ilog o mababang lugar kailangan unahin muna ang pag-iingat” Pahayag ni Fr.Galas sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa Diocese ng Butuan, Agusan Del Sur ay sinabi Social Action Director Rev. Fr. Stephen Brongcano na nag-abiso na sa kanila ang Lokal na Pamahalaan na posibleng ma-kansela ang pagdiriwang ng banal na misa sakaling maging mapaminsala ang lakas ng hangin at ulan na dala ng bagyong Odette.

“Start na ng Simbang Gabi namin bukas, yun Chapel sa Libertad [Agusan Del Sur] sabi ng Kapitan cancel na lang muna ang misa doon sa Chapel, doon na lang muna sa Parish mismo hindi na sa Chapel” pahayag ni Fr. Brongcano.

Kaugnay nito, inihayag ni Borongan Bishop Crispin Varquez na nasa desisyon na ng mga Kura Paroko ng bawat Parokya kung itutuloy ang pagdiriwang ng Simbang gabi dahil sa banta ng bagyo.

“Sa mga parokya na hindi masyadong affected I just give the discretion to the Parish Priest.” “Kahit sabihin na may misa kung malakas naman ang hangin hindi din talaga lalabas ang mga tao” pahayag ng Obispo sa Borongan, Eastern Samar.

Samantala, Tiniyak ni Rev.Fr. Harlem Gozo ng Diocese of Maasin na nakahanda silang tumugon sa pangangailangan ng mga maapektuhan ng bagyo sa Southern Leyte.

Sinabi ni Fr. Gozo na may mga nakatakda na sanang aktibidad ang kanilang tanggapan sa Social Action Center ng Diocese of Maasin ngunit kinakailangan nila itong kanselahin bilang paghahanda sa epekto ng bagyo.

“Yung warehouse natin dito magiging evacuation [if needed] kapag kailangan ng mga tao then kung kailangan magkaroon tayo ng repacking para naman sa mga kailangan ng tao.”Pahayag ni Fr. Gozo, Social Action Director ng Diocese of Maasin.

Una nang naglabas ng bababala ang PAGASA sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyong Odette dahil sa patuloy pa itong lumalakas habang lumalapit sa kalupaan ng Visayas at Mindanao region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,440 total reads

 51,440 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,032 total reads

 131,032 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,479 total reads

 164,479 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,777 total reads

 199,777 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,255 total reads

 424,255 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,776 total reads

 111,776 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top