410 total views
Kaakibat ng pagiging Kristiyano ang pagiging misyunero ng bawat isa.
Ito ang binigyang diin ni CBCP – Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa naganap na Mission Webinar na bahagi ng paggunita sa Year of Missio Ad Gentes.
Ayon sa Obispo, ang panawagan ng misyon ng Simbahan ay para sa lahat ng mga binyagan at hindi para sa iilan lamang na mayroong bokasyon bilang lingkod ng Simbahan.
Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na bahagi ng pagiging isang binyagang Kristiyano ang misyong ipalaganap ang Mabuting balita ng Panginoon bilang katuwang ng Simbahan sa ebanghelisasyon.
“The mission is a call to everybody those who are baptized and it is not true that only some people are specialized to do the mission and the others are just simply onlookers to what the others are doing, now we realized that because of baptism all of us are involved in the work of the mission, to be a Christian is to be a missionary.” pahayag ni Bishop Broderick Pabillo.
Ito rin ang nilinaw at binigyang diin ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairman Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona kaugnay sa pagiging misyunero ng bawat isa.
Pagbabahagi ni Bishop Mesiona, ang lahat ng mga binyagan ay tinatawagan na maging misyunero ng Panginoon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan taliwas sa karaniwang pagkaunawa o paniniwala na tanging ang mga Pari, Madre at mga nagtalaga lamang ng kanilang sarili sa Panginoon ang may tanging misyon na palaganapin ang Salita ng Diyos.
“We always have a common notion that mission is only for the religious and priest but the truth is that by virtue of our Christian Baptism we are all called to be missionaries of the Lord.” Ang bahagi ng pahayag ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona.
Ang nasabing Mission Webinar na may titulong ‘We Give Our Yes! Mission Webinar – Finding your mission for the Lord’ ay programa ng CBCP Episcopal Commission on Mission katuwang ang Dominus Est na bahagi ng paggunita ng Year of Missio Ad Gentes at ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.
“This project initiated by Episcopal Commission on Mission of the CBCP as part of the activities as we have celebrating the Year of Mission on the 5th Centenary of the Christian Faith in the Philippines.” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.
Layunin ng Mission Webinar na higit na maibahagi ang mahalagang tungkulin ng mga layko bilang katuwang ng Simbahan sa pagbabahagi ng misyon nito na higit na maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.