Panukalang batas na nagpapahintulot ng commercial fishing, tinututulan ng PANGISDA Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,222 total reads

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong PANGISDA Pilipinas sa harapan ng House of Representatives kasabay ng paggunita sa National Fisherfolks Day.

Ito’y upang tutulan ang panukalang House Bill 7853 na pinapahintulutang papasukin ang mga komersyal na mangingisda sa munisipal na katubigan.

Ayon kay Pablo Rosales, pangulo ng grupo na palalalain lamang nito ang labis na pangingisda sa gitna ng mas mataas na huli ng isda sa ilang mga lugar bunsod ng mahigpit na pagbabawal sa komersyal na pangingisda sa loob ng 15-kilometer zone mula sa baybayin.

“…Ang walang pakundangang pagkuha at paghuli ng isda ng komersyal na pangingisda ang pangunahing dahilan ng pagkaubos ng likas yaman at pagkasira ng pangisdaan sa kalakhan,” bahagi ng pahayag ni Rosales.

Samantala, panawagan naman ng grupo sa bawat mamamayan at mga kinauukulan na tutulan ang anumang gawaing makakaapekto sa pangangalaga at pag-unlad ng mga palaisdaan sa bansa.

Sa halip, paigtingin ang pagpapatupad sa programang makatutulong upang mapaunlad din ang kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda.

“Sama-sama nating itulak ang lubos na pagpapatupad ng mahahalagang batas at programa para sa tunay na rehabilitasyon ng mga munisipal na pangisdaan tungo sa pangmatagalang pag-unlad at supply ng pagkain para sa mamamayan, na siya ding mag-aangat sa kabuhayan ng mga mangingisdang munisipal,” ayon kay Rosales.

Batay sa Republic Act 10654 o Fisheries Code of 2015, ipinagbawal ang ilegal at komersyal na pangingisda sa munisipal na katubigang nagresulta sa unti-unting pagdami ng isda at pagkabuhay ng ibat-ibang klase ng likas na yaman sa katubigan.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng simbahan, bagamat sang-ayon itong kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang kita nito’y nakakamit nang hindi naaapektuhan ang bawat mamamayan lalong-lalo na ang kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,016 total reads

 16,016 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,911 total reads

 16,911 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,456 total reads

 33,456 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,833 total reads

 70,833 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,102 total reads

 102,102 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,213 total reads

 177,213 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,806 total reads

 269,806 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,383 total reads

 74,383 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top