Magsisi at mag-ayuno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 867 total reads

Patatagin ang pananalig sa Diyos, dahil walang imposible sa Panginoon.

Ito ang paanyaya ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa misang ginanap sa Our Lady of the Pillar Parish Church o kilala rin bilang Sta. Cruz church kaugnay sa ‘Day of Prayer and Fasting’ kasama ang may 100 pari ng Archdiocese of Manila.

Layunin ng inisyatibo ng Archdiocese of Manila ang pananalangin para sa paghihilom at pagbabalik loob sa Panginoon kaugnay na rin sa krisis na dulot ng pandemya.

Hiling din ng Obispo ang patuloy na paghingi ng tawad sa Panginoon, dahil ang paghingi ng tawad ay nagtatanggal ng kasalanan na ugat ng kasamaan.

“We humble ourselves before the Lord, kinikilala natin ang ating pagkukulang at isa na siguro sa ating pagkukulang ay ang ating labis na paniniwala kung ano ang magagawa ng material na bagay. Labis tayong naniniwala sa magagawa ng science, ng medicine, ng vaccines at quarantine periods. Totoo na ito ay nakakatulong pero may isang bagay na hindi natin nabibigyan ng halaga…ang kapangyarihan ng Panginoon, ang kapangyarihan ng grasya. Kumikilos ang grasya ng Diyos kapag walang sagabal, at ang sagabal ay ang kasalanan,” ang bahagi ng homilya ni Bishop Pabillo.

Paanyaya pa ni Bishop Pabillo sa mga dumalong pari na palakasin ang pananalig sa Diyos upang tulungan ang sarili at ang kawan ng Diyos.

“Magsisi, mag-ayuno at magdasal upang makuha natin ang tulong ng Diyos at iyan po ang ginagawa natin ngayong araw. Tayo ay nagdasal at ang ating penitential procession ay bahagi ng ating panalangin tayo ay nagsisisi,” ayon pa kay Bishop Pabillo

Dagdag pa ni Bishop Pabillo na ang panawagan ay hindi lamang sa mga pari kundi sa buong sambayanan.

Sa hiwalay na panayam, binigyan diin naman ni Fr. Douglas Badong-parochial vicar ng Quiapo church na tungkulin din ng mga mananampalataya ang maigting na pananalangin laban sa patuloy na banta ng pandemya.

“Nawa ay mahikayat ang mga tao na higit pang magdasal kailangan po natin na paigtingin pa. Hindi po natin maaring alisin ang Diyos at huwag nating isipin na pinababayaan tayo ng Diyos. Ito po sana, ay magdulot ng inspirasyon sa mga tao na lalung kumapit sa Diyos,”

Ang Day of Prayer ay nagsimula sa Penitential Rites mula sa Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo church) at Penitential walk patungong simbahan ng Sta. Cruz kung saan isinagawa ang misa.

Ang Archdiocese of Manila ay binubuo ng higit sa 600 mga pari sa 86 na parokya na nagsisilbing pastol sa may tatlong milyong mananampalataya mula sa limang lungsod na nasasakop ng arikidiyosesis ang lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Pasay, Makati at San Juan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,922 total reads

 80,922 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 159,005 total reads

 159,005 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 192,453 total reads

 192,453 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,749 total reads

 227,749 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 451,067 total reads

 451,067 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top