VeritasPH

The Word, The Truth

Lay organizations, gagamiting inspirasyon ang Veritas Truth Survey

SHARE THE TRUTH

 170 total views

Malaking hamon sa mga layko at mga opisyal ng simbahan ang paglaki ng bilang ng mga Filipinong sumasang-ayon sa pagkakaroon ng diborsyo sa bansa.

Gagamiting hamon at inspirasyon ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines, Sangguniang Laiko ng Pilipinas at Light of Jesus Community ang Veritas Truth Survey kung saan nakakaraming mga Filipino ang pabor sa legalisasyon ng divorce sa Pilipinas.

Ayon kay Robert Aventajado, president ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines (MEFP) pareho at magkasing halaga ang responsibilidad ng mga pari at mga layko para maghayag ng salita ng Diyos at pagpapaliwanag sa ating pananampalataya.

“Tayo ‘yung religious, pati layko. Tayong lahat dahil tayong lahat ay… Vatican II equal ang reponsibilidad natin sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ang kaparian at ang layko so tayong lahat ang meron nitong pagkukulang na matatawag,” ayon kay Aventajado.

Ipinaliwanag ni Aventajado na marahil ay nagkukulang pa ang Simbahan, mga religious at mga layko sa pagpapaliwanag sa mga mananamapalataya kung ano at kung gaano kasagrado ang sakramento ng kasal.

Hinimok ni Aventajado ang mga taga-Simbahan na pag-ibayuhin pa ang pagtuturo tungkol sa mga sakramento ng simbahan.

“We have to do better in explaining all these sa simbahan, siguro sa homiliya ng mga pari, pagtuturo ng catechism at sa mga layko sa atin,” paliwanag ni Aventajado.

Ang MEFP ay binubuo ng may 86 na community sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may tinatayang 500,000 na mag-asawang miyembro.

Naninindigan naman si Bro.Bo Sanchez, founder ng Light of Jesus Community na tuluyang mawawalan ng saysay at kahulugan ang sakramento ng kasal at pagpapamilya kung magiging madali ang proseso ng paghihiwalay ng mag-asawa kung saan parang isang paninda lamang ang diborsyo na mabibili saan mang tindahan.

Paliwanag ni Sanchez, kung magiging madali na lamang ang paghihiwalay ng mag-asawa ay mawawalan na ng saysay ang pangakong kanilang binitawan sa harapan ng Diyos at sambayanan na pagsasama sa hirap at ginhawa.

Ayon kay Sanchez, kung pahihintulan ang paghihiwalay ng mag-asawa sa pamamagitan ng divorce ay mawawalan na rin ng dahilan ang mag-asawa na sikaping magkasundo at solusyunan ang kanilang mga problema sapagkat napakadali o napaka’convenient’ na lamang na sumuko at bumitaw sa kanilang mga pangako sa isa’t isa.

“Kapag nag-aaway yung marriage ang approach ganito we try all we can, hindi dapat madali yung pag-separate pag ginawa mong sobrang madali na parang bumibili ka lang sa grocery ng divorce kawawa eh yung commitment mo, the definition of marriage itself ang kahulugan ng marriage ay yung for better or for worse, for sickness or in health now biglang nawala yung definition na its now convenient nalang…” pahayag ni Bro. Sanchez sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi pa ni Sanchez patuloy na ipananalangin ng buong kumunidad ng Light of Jesus Community ang pagkakapukaw ng kamalayan ng mga Filipino na makita ang kahalagahan ng pamilya sa pagpapatatag ng lipunan dahil malaki ang negatibong epekto sa susunod pang henerasyon ng pagkakaroon ng mga magkahiwalay o sirang pamilya.

“Im very concerned and all of us here are praying na sana we will stand by the family and the efforts of trying to save sana makita ng bawat Filipino yung kahalagahan ng family and yung value sa ating lipunan kasi kapag mawala yung family, yung marriage sa lipunan kawawa yung bansa natin for the future generations nakikita na natin sa ibang bansa na kapag under attack yung family tapos nawawala yung marriage and then you’ve got the children and they’re growing up sa broken family talagang hirap na hirap yung personal growth nila and its really the foundation, yung foundation ng country yung family” Dagdag pa ni Bro. Bo Sanchez.

Umaasa si Sanchez na sa gitna ng mariing pagsusulong sa pagsasabatas ng Divorce ay mananaig sa bawat Filipino ang pagmamahal sa pamilya at pagsusulong sa kasagraduhan ng sakramento ng kasal.

Gagamitin naman ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na umbrella organizations ng mga Catholic lay organization ang VTS na inspirasyon sa pagpapalawak ng kamalayan at pagtuturo sa kabutihan at pagpapatatag sa pamilyang Pilipino.

Ayon kay Sangguniang Layko ng Pilipinas, President Marita Wasan, ang VTS ay hamon sa mga taga-Simbahan at mamamayan na lalong mapagbantay at tutulan ang pagsasabatas ng divorce na sisira sa matatag na pundasyon ng pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Wasan na bagama’t wala pang divorce sa bansa ay may pamilya na ring naghihiwalay partikular na sa sektor ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Kaya’t mas higit na dapat pagtuunan ang pagpapatatag ng kasal at pamilya sa halip na pagsusulong ng divorce na magbubukas ng pagkakataon sa marami na tuluyan nang wakasan ang maari pa sanang maayos na pagsasama.

“Strengthen the family and marriage kaya hindi dapat may divorce. Kaya dapat walang divorce,” ayon kay Wasan.

Ayon pa kay Wasan nanatiling ang kahirapan ang ugat ng paghihiwalay ng maraming pamilya dahil sa migration o pagtatrabaho ng ina o ama sa ibang lugar.

Base sa tala may 11 milyon ang kabuuang OFW sa iba’t ibang bahagi ng mundo na ang karaniwang dahilan ay ang pagtataguyod sa pamilya dahil sa kawalan ng oportunidad sa ating bansa.

Sinabi ni Wasan na may isang pag-aaral na nagsasabi na kahirapan ay nakakaapekto sa mga mag-asawa tungo sa paghihiwalay.

At ayon sa isang pag-aaral noong 2014 ni Vicente Fabella ng Jose Rizal University, isa sa bawat 4 may asawang OFW ay naghihiwalay habang dalawa sa limang anak ng mga OFW ay hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.

Maari ding maging dahilan ang impluwensya ng media kasama na dito ang social media at paggaya sa westernize culture.

Paliwanag ni Wasan base na rin sa resulta ng Veritas Truth Survey, malaking porsiyento ng mga pumabor sa diborsyo ay pawang nasa edad 13 hanggang 40 taon na kung susumahin ay may 77 percent na bahagi ng kabuuang 39 percent na pabor sa diborsyo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 2,928 total views

 2,928 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,685 total views

 8,685 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 15,948 total views

 15,948 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 23,933 total views

 23,933 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,469 total views

 31,469 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 37,163 total views

 37,163 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 53,167 total views

 53,167 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 53,175 total views

 53,175 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 54,858 total views

 54,858 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 51,966 total views

 51,966 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 52,152 total views

 52,152 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 66,981 total views

 66,981 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 51,949 total views

 51,949 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 49,106 total views

 49,106 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 32,909 total views

 32,909 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal Advincula ang hangarin na maging “Listening Shepherd” sa mga kawan o mananampalataya na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga lalu na ang mga pari, consecrated person at laiko ng Archdiocese of Manila.

Read More »
Cultural
Veritas Team

Radio Veritas back in full operation after lockdown

 23,325 total views

 23,325 total views We continually receive blessings from the Lord amidst the trial of the pandemic, and for this we are daily grateful and thankful. Radyo Veritas, after several days of shifting place of operation from the studio in Quezon city to the transmitter site in Bulacan to do broadcast as effect of several covid cases

Read More »
Cultural
Veritas Team

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

 22,646 total views

 22,646 total views Tiniyak ng himpilan ng Radio Veriras 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan. Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan

Read More »
Cultural
Veritas Team

IATF restrictions sa Simbahan, labag sa religious freedom at separation of church and state

 22,625 total views

 22,625 total views Tiniyak ng pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay sa kabila ng inilabas na bagong alituntunin ng Inter-agecny Task Force na pagbabawal sa mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

 22,450 total views

 22,450 total views Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19. Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19. Kasalukuyang nagpapagaling sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top