Leni-Kiko tandem, suportado ng CFM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 915 total reads

Ilang araw bago ang 2022 national at local elections sa ika-9 ng Mayo, kabilang na rin Christian Family Movement of the Philippines (CFM)sa mga church organizations na nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Inihayag ng C-F-M na batay sa isinagawang discernment meeting ng grupo ay lumabas na ang tambalan nina Leni at Kiko ang nakakuha ng pinakamataas na puntos o marka mula sa mga isinagawang discernment exercises bukod pa ang akmang programa at plataporma sa kapakanan ng taumbayan at ng bansa.

Ibinahagi ng C-F-M na ginawa ang discernment meeting noong ika-12 ng Marso, 2022 na dinaluhan din ng National Chaplain ng grupo na si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Assistant National Chaplain Msgr. Manny Gabriel.

“In our concluded discernment meeting held last March 12, 2022, in the presence of our National Chaplain Bp. Gerry Alminaza and Assistant National Chaplain Msgr. Manny Gabriel, under the guidance of the Holy Spirit, we came to the conviction that we will support VP Leni Robredo for President and Sen. Francis Pangilinan for Vice President, who consistently garnered the highest scores in our discernment exercise, and whose program of government represents the good that we aspire for our country and our people.” pahayag ng CFM) of the Philippines.

Iginiit ng C-F-M na mahalagang manindigan ang bawat isa para sa kapakanan at kabutihan ng buong bayan na nakasalalay sa nakatakdang halalan.

Ayon sa pamunuan ng CFM kabilang sa mga batayang ginamit ng grupo para sa isinagawang discernment process ay ang 5Cs na hango sa rekomendasyon ni Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma na pagsusuri sa Conscience, Competence, Compassion, Companions, at Commitment ng mga kumakandidatong pulitiko sa iba’t ibang posisyon sa pambansa at lokal na posisyon.

“As we reflect on the plight of our country and our people today, we deem it necessary to make a stand for the good that is so vital for our survival and our future as a nation. In our effort to choose rightful leaders who will lead us to this good, we went through a discernment process where we adopted the 5Cs (Five Criteria: Conscience, Competence, Compassion, Companions, and Commitment), as suggested by Archbishop Emeritus Antonio Ledesma of Cagayan de Oro.” Dagdag pa ng CFM.
Ang Christian Family Movement (CFM) na naitatag sa Pilipinas noong 1956 ay ang kauna-unahan at ang pinakamatagal ng organisasyon o samahan ng mga pamilya sa bansa na nasa ilalim na paggabay ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamamagitan ng Episcopal Commission on the Family Life (ECFL) at Episcopal Commission on the Laity (ECL).

Ang Christian Family Movement (CFM) of the Philippines ay isa din sa mga kasaping organisasyon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na una ng inendorso ang kandidatura ng Leni-Kiko tandem para sa nakatakdang halalan sa bansa.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,098 total reads

 19,098 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 212,492 total reads

 212,492 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 244,223 total reads

 244,223 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 346,046 total reads

 346,046 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 386,608 total reads

 386,608 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 398,808 total reads

 398,808 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top