Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Cebu, naglabas ng solidarity statement sa mga nasalanta ng bagyong Agaton sa Leyte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total views

Nakikiisa ang social arm ng Archdiocese of Cebu para sa mga naapektuhan ng bagyong Agaton sa Isla ng Leyte nitong nagdaang Semana Santa.

Sa inilabas na solidarity statement, sinabi ni Cebu Caritas President Father Alex Cola, Jr. na anumang mga pagsubok o sakuna ang dumating sa bansa, buong puso at tapang pa ring babangon ang bawat mamamayan upang ipagpatuloy ang buhay.

“This has consistently challenged our limited capacities and resources. At the same time, this has tested our strength and courage to face up to these trials as communities and as a people,” pahayag ni Fr. Cola.

Batid ng pari ang lungkot at paghihirap na idinulot ng Bagyong Agaton sa mga lubhang apektadong pamilya sa bayan ng Abuyog at Baybay City, Leyte, dahil bago ito ay nanalasa na rin sa lugar ang bagyong Odette noong Disyembre 2021.

Ibinahagi rin ni Fr. Cola, na siya ring chairman ng Cebu Archdiocesan Commission on Service na maging ang Cebu ay hindi rin nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Odette na nag-iwan ng maraming bilang ng mga nasawi at nawalan ng tahanan.

“We commiserate with you in these trying times, since we too have experienced destructive storms like super typhoon Odette which wrecked large parts of the island of Cebu, resulting to multiple deaths and leaving thousands homeless,” ayon sa pahayag.

Samantala, nagpahayag naman ng taos-pusong pakikiramay ang Cebu Caritas para sa mga naulilang pamilya dahil sa bagyong Agaton.

Gayundin ang patuloy na pagpapaabot ng tulong at suporta sa mga higit na apektadong komunidad na magpahanggang ngayon ay nahihirapan pa ring harapin ang kakulangan sa pagkain at kawalan ng hanapbuhay.

“We realize how difficult the path to full recovery is. Yet, as children of Easter and firm believers in the Lord of the Resurrection, we remain steadfast and strong in our resolve that all of us shall rise again after these storms,” ayon kay Fr. Cola.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa 224-katao ang bilang ng mga nasawi habang nasa 147 indibidwal naman ang patuloy na nawawala dulot ng bagyong Agaton.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 85,511 total views

 85,511 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 107,574 total views

 107,574 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 123,270 total views

 123,270 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 129,561 total views

 129,561 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 187,569 total views

 187,569 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top