Cardinal Advincula, itatalagang Cardinal Priest ng Parrocchia San Vigilio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 873 total reads

Pormal nang itatalaga ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula bilang Cardinal-Priest ng Parrocchia San Vigilio sa Roma.

Sa pabatid ng parokya, gaganapin ang canonical possession ni Cardinal Advincula sa April 30, 2022 sa alas siyete ng gabi oras sa Roma.

Inaanyayahan ang bawat isa na makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga panalangin sa ikatatagumpay ng gawain.

“We will receive with joy His Eminence Jose Fuerte Cardinal Advincula for the solemn canonical possession of the TITLE OF SAN VIGILIO. We are all invited to participate in the Eucharistic Celebration for this very important moment in the history of the parish and our community,” ayon sa pabatid ng parokya.

Matatandaang November 28, 2020 nang mapabilang si Cardinal Advincula sa Consistory kasama ang 12 iba pang obispo ng simbahang katolika.

Kasabay nito ang pagkatatag ng San Vigilio bilang Cardinal Titular Church na itinalaga kay Cardinal Advincula.

Bilang Cardinal-priest ipinagkatiwala ng Santo Papa sa kanilang pangangalaga ang mga simbahan sa Roma na tinatawag na ‘titles’ na ayon sa tradisyon ay nakalakip sa isang parokya.

Nauna nang nakipagpulong si Cardinal Advincula kay Pope Francis noong April 21 at kay Cardinal Giovanni Battista Re ang kasalukuyang Dean ng College of Cardinals.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang arsobispo ng Maynila sa Vatican bilang Cardinal makaraang maantala dahil sa pag-iral ng mahigpit na panuntunan bunsod ng pandemya.

Read: https://www.veritasph.net/cardinal-advincula-nakipagpulong-kay-pope-francis/

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 3,556 total reads

 3,556 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 127,333 total reads

 127,333 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 187,828 total reads

 187,828 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 201,814 total reads

 201,814 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 282,471 total reads

 282,471 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 378,738 total reads

 378,738 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top