Kinabukasan ng mamamayan at bansa, nakasalalay sa kamay ng mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,101 total reads

Ang pagboto ay isang sagradong gawain hindi lamang bilang Kristiyano kundi bilang isang Pilipino.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radyo Veritas 846 kaugnay sa patas na kapangyarihan ng bawat isa na bumoto tuwing halalan sa bansa.

Ayon sa Executive Director ng Caritas Manila, bahagi ng tungkulin at responsibilidad ng bawat Pilipino ang bumoto at maghalal ng mga karapat-dapat na mga lider ng bansa na mamumuno at mangasiwa ng maayos, matino at mahusay sa pamahalaan.

“Ang pagboto ay isang sagradong pagkilos bilang Kristiyano at bilang Pilipino ito ay ating responsibilidad kung gusto natin ng isang maayos, matino, at mahusay na pamahalaan gamitin natin ang ating kapangyarihan ng boto upang tayo ay makapili ng tunay na maglilingkod sa atin.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ni Fr. Pascual, nakasalalay sa boto ng bawat mamamayan ang pagkakaroon ng maayos na pamahalaan.

Ipinaliwanag ng Pari na sinasalamin ng mga kandidatong maihahalal ang paninindigan at desisyon ng bawat botante na pumili ng mga lider na tunay na magbabago at magpapaunlad ng kinabukasan ng bayan.

“Sabi nga nila ‘we only deserve the government that we have’ and kung magaling ang gobyerno, magaling ang bumoto at kung palpak naman ang gobyerno, tayo ang hindi bumoboto at mali ang pagboto natin kaya gamitin natin ang ating kapangyarihan na pumili at baguhin ang kinabukasan ng ating bayan.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Kaugnay nito nagsimula na ang isang buwang Overseas Voting noong ika-10 ng Abril na magtatagal hanggang sa ika-9 ng Mayo upang bigyang ng sapat na panahon ang aabot sa mahigit 1.6 na milyong mga Overseas Filipino Workers na gamitin ang kanilang karapatan na bumoto.

Samantala nagsimula na rin ang tatlong araw na Local Absentee Voting mula ika-27 hanggang ika-29 ng Abril para sa mga government officials, security forces at kasapi ng media industry na maglilingkod sa araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Sa ilalim ng panuntunan ng Commission on Elections (COMELEC) para sa Overseas Voting at Local Absentee Voting ay tanging national positions lamang ang kabilang sa kinakailangang ihalal na kinabibilangan ng pangulo, pangalawang pangulo, 12-senador at isang party-list group.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,107 total reads

 19,107 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 212,515 total reads

 212,515 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 244,246 total reads

 244,246 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 346,069 total reads

 346,069 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 386,631 total reads

 386,631 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 398,832 total reads

 398,832 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top