Talikuran na ang mga gawaing nakakasira sa kalikasan, hamon ng Pari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,012 total reads

Pinaalalahanan ni Franciscan priest Father Angel Cortez ang mananampalataya na simulan nang talikuran ang mga institusyon at gawaing nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

Ayon kay Fr. Cortez, miyembro ng International Steering Committee ng Laudato Si’ Action Platform ng Vatican Dicastery for Integral Human Development, kinakailangan na ng daigdig ang mga konkretong solusyon upang mailigtas ito sa tuluyang pagkasira dulot ng pagbabago ng klima.

“I think it’s really a global call na tayo mismo bilang mga Pilipino ay dapat mayroon na talaga tayong konkretong gawin. Hindi na ito usapin ng adbokasiya lamang o usapin na kampanya kundi simulan natin sa isang konkretong gawain,” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy naman ng pari ang industriya ng coal-fired power plants, pagmimina, fossil fuel, at iba pa na nag-iiwan ng pangmatagalang pinsala sa kapaligiran at paghihirap sa mga tao.

Sinabi ni Fr. Cortez na dapat nang itigil ng mga bangko sa bansa ang pamumuhunan sa mga mapaminsalang proyekto at sa halip ay suportahan ang pagtangkilik sa renewable energy resources na tiyak na mura, malinis, at ligtas para sa kalikasan at tao.

Hinimok din ng pari ang bawat isa na baguhin ang mga nakagawian at simulang mamuhay nang sapat.

Paliwanag ng opisyal na hindi lamang sa pagtitipid sa enerhiya, tubig at pagtatanim ng mga puno nakatuon ang pangangalaga sa kalikasan kundi maging sa pagpili at pagbili sa mga bagay na hindi naman gaano kinakailangan para sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“Iyong mga bagay na hindi naman talaga natin kailangan ay huwag muna natin bilhin o kunin. Sapagkat in reality, lahat ‘yun may kaugnayan doon sa tinatawag nating ekolohiya. Kaya nga siya integral ecology, so bawat binibili natin, bawat desisyon natin, it will really affect our climate situation,” ayon kay Fr. Cortez.

Nauna nang hinamon ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Stewardship Office chairman at Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ibagay ang “lifestyle” sa suliraning hinaharap ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 3,933 total reads

 3,933 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 127,479 total reads

 127,479 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 177,843 total reads

 177,843 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 304,901 total reads

 304,901 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 390,252 total reads

 390,252 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 230,731 total reads

 230,731 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top