Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Libreng pagbibigay ng lupain sa mga magsasaka, positibo sa Simbahan.

SHARE THE TRUTH

 211 total views

Pinaburan ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang pinaplano ng susunod na administrasyon na ibigay ng libre ang mga lupain sa mga magsasaka.

Ayon kay Archbishop Cruz makakapagbigay ginhawa sa mga magsasaka ang isusulong na bagong programa sa lupang agraryo upang tuluyan ng mapamahalaan ng mga magsasaka ang lupa na matagal na nilang ipinaglalaban.

Hiniling naman ni Archbishop Cruz na bagaman matagal ng hawak ng ilang mga panginoong may lupa tulad ng mga Cojuangco ay nararapat pa rin na magkaroon ng isang “symbolic payment o nominal transmission” bilang pagkilala sa bagong may – ari na nito.

“Mabuti na kahit nominal o symbolic payments man lang ay mayroon… Kahit nominal fee lamang magbigay yung mga farmers pero hindi naman kailangan malaki. Unang – una hindi nila kayang bayaran. Ikalawa ay marami na silang nabayad kung ilang taon na yang yung mga Cojuangco sa Tarlac na yan. Okay yan para maging kanila pero kahit paano ay symbolic payments man lang ay mayroon,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Iniulat naman ng Bureau of Agricultural Statistics noong 1991 na 9,500 panginoong maylupa lamang ang nagmamay-ari sa halos 21 porsyento ng kabuuang lupaing agrikultural ng Pilipinas.

Samantala, mahigit dalawang milyong magsasaka, na nagmamay-ari lamang ng kulang sa tatlong ektarya bawat isa, ang nagsisiksikan at naghahati-hati sa 18.5 porsyento ng lupaing agrikultural.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,771 total views

 10,771 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,731 total views

 24,731 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,883 total views

 41,883 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,310 total views

 92,310 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,230 total views

 108,230 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 67,499 total views

 67,499 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,314 total views

 93,314 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,097 total views

 133,097 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top