Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pari na dating drug dependent; magtulungan kontra droga

SHARE THE TRUTH

 204 total views

Kinakailangan magtulungan ang pamahalaan, ang Simbahan at ang pamilya upang masugpo ang paglaganap ng mga gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot

Ayon kay Archdiocese of Manila Restorative Justice Ministry priest in charge, Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, sa pagkilos ng gobyerno kinakailangan mahigpit na ipatupad ang batas sa halip na katiwalian gaya ng ‘lagay system’ na umiiral upang makalabas ng kulungan.

Aniya, habang sa panig ng Simbahan, kumilos sa pamamagitan ng aktibong pagbabahagi ng mga turo ni Hesus at sa pamilya, tiyakin na nagagabayan ang bawat miyembro, iparamdam ang pagmamahal at ipakita na sila ay mahalaga at may dignidad.

“Ang problema corruption talaga, kaya malalakas ang loob, halimbawa ako kapag nakukulong, nakakalabas ako, sa City Jail, lahat pupuwede, isa sa ugat bakit nagpapatuloy ang ganitong system walang takot ang mga drug dependents at pusher kasi nakakalusot ka naman, kung alipin ka ng gamot ayun, wala ka na ring takot, solusyon higpitan lang ang batas talaga kung huli huli talaga no need ang death penalty at sa panig ng Simbahan, may pagkukulang tayong Simbahan din naturingan tayong katolikong bansa, nagkulang tayo na palaganapin ang utos ni kristo to evangelize, sa pamilya sa magulang mahalin ninyo ang inyong mga anak… mahalin ninyo anak niyo, importante yung encounter nati sa Diyos di mangyayari unang una sa magulang, maeencounter ng anak ninyo ang Diyos kung mamahalin ninyo sila unconditionally.” Pahayag ni Fr. Dela Cruz sa panayam ng Radyo Veritas na isang dating drug dependent.

Kaugnay nito, inihayag ng pari na hindi nararapat ang death penalty sa bansa dahil ang lahat ay may karapatang magbago gaya niya at ng iba pa niyang kasamahan sa paggamit ng droga na naging huwaran pa sa ngayon dahil sa kanilang pagbabago.

Iginiit din ni Fr. Dela Cruz na isa sa nagpabago sa kanya at sa kanyang mga kasamahan ay noong marinig nila ang mga Salita ng Diyos na tumimo sa kanilang puso at isipan

Dagdag ng pari, isa rin sa nagpabago sa kanya ang pag-ibig ng kanyang ina na ipinaramdam sa kanya ng kanyang ina na siya ay may silbi sa lipunan.

“Mabuti may mag-evengalize sa Saint Paul, sa QC at napunta ako dun at nakapakinig ako ng Mabuting Balita dun na nagsimula, walang makapagpabago sa akin, kundi ang Salita ng Diyos,

Inihayag ng pari na nagawa niyang gumamit ng iligal na droga dahil lamang sa estado ng pagkilala sa lipunan.

“Lahat tayo naghahanap ng kaligayanan kaya lang sa ibat-ibang paraan hinahanap, sa karanasan, ko, High School pa ako nagsimula, para maiba, maging cool, nagsimula akong bumili sa mga kaklase ko rin, so para maging cool ka magtutulak ka rin, ganun lang nagsimula, hindi naman dahil sa pera lang o para manakit ng tao..” ayon pa sa pari.

Sa Record ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA noong 2015, tinatayang nasa 1.8 milyong Filipino ang drug dependents

Mahigit 8,000 barangay naman sa bansa ang may iligal na operasyon ng droga o 20.51 % mula sa 42,065 na barangays.

Mariing kinokondena ng Kanyang Kabanalan Francisco ang paggamit ng iligal na droga bilang “recreational drugs” dahil sumisira ito ng lipunan, pamilya, buhay at kinabukasan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 16,748 total views

 16,748 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 22,972 total views

 22,972 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 31,665 total views

 31,665 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 46,433 total views

 46,433 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 53,555 total views

 53,555 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 51,110 total views

 51,110 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 67,114 total views

 67,114 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 67,122 total views

 67,122 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 69,430 total views

 69,430 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 65,913 total views

 65,913 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 66,099 total views

 66,099 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 85,131 total views

 85,131 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 65,896 total views

 65,896 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Health
Veritas Team

Eksperto, nagbabala sa epekto ng ‘monkeypox’

 36,581 total views

 36,581 total views Binigyang linaw ng mga eksperto na malaki ang kaibahan ng hawaan, sintomas, at epekto ng ‘monkeypox’ sa COVID-19. Aminado si Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force against COVID-19, na mababa lang ang tiyansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng may monkeypox kumpara sa COVID-19. Gayunman, nagbabala ang eksperto na maari ring

Read More »
Disaster News
Veritas Team

80K na pamilya, apektado ng lindol sa Northern Luzon

 41,637 total views

 41,637 total views Umaabot na sa mahigit P400-milyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at mga imprastratura ng naganap na lindol sa Northern Luzon. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, mahigit sa P13-M halaga na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang P4.5M ang napinsala sa mga

Read More »
Latest News
Veritas Team

Teachers Dignity Coalition, hiniling sa DepEd na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase

 36,491 total views

 36,491 total views Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa inilatag na school calendar sa papasok na taong-panuruan ng Department of Education sa ilalim ng bagong administrasyon. Ayon kay TDC chairperson Benjo Basas, ang planong pagbubukas ng klase sa August 22 ay hindi sapat para magkaroon ng pahinga ang mga guro mula sa katatapos lang na school-year.

Read More »
Environment
Veritas Team

Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan

 40,141 total views

 40,141 total views Nanawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue. Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ – Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 53,402 total views

 53,402 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 52,486 total views

 52,486 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 62,400 total views

 62,400 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top