Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Limitahan ang pag-angkat ng imported na sibuyas, panawagan ng mga magsasaka sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 798 total views

Nanawagan sa pamahalaan ang mga magsasaka ng sibuyas sa Bongabon Nueva Ecija na limitahan lamang ang pag-angkat ng imported na puting sibuyas.

Pinangangambahan ni Luchie Cena, Manager ng Valiant Cooperative ng mga Onion farmers ng Bongabon Nueva Ecija na pabababain ng malawakang pagtanggap ng imported na puting sibuyas ang halaga sa merkado ng mga lokal na pulang sibuyas.

“Pakiusap lang naman sa Department of Agriculture o Bureau of Plant Industry, kung mag-iimport po ay siguraduhin yung volume na pangangailangan lang ng puti, kasi ang pangangailangan po ng puti ay hindi kasing dami ng pangangailangan ng pula,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cena.

Ito ang pakiusap ng Onion farmers sa plano ng D-A na mag-angkat ng imported na puting sibuyas upang matugunan ang kakulangan ng suplay sa merkado.

Tiniyak naman ni Cena na sapat ang suplay ng pulang sibuyas na pangunahing produkto ng Bongabon Nueve Ecija na kilala bilang Sibuyas Capital of the Philippines.

Ang Valiant Coop ay mayroong mahigit 300 miyembro na mga magsasaka ng sibuyas sa Region-3 kung nasaan ang mahigit 13-libong ektarya na sakahan ng sibuyas.

Batay sa datos ng Department of Agriculture sa mga pamilihan sa Metro Manila, bagamat walang mabilhan ng puting sibuyas ay aabot sa 120 hanggang 140-piso ang presyo kada kilo ng pulang sibuyas.

Unang nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tulungan ang sektor ng agrikultura upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang bawat mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 32,483 total views

 32,483 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 45,919 total views

 45,919 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 62,381 total views

 62,381 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 71,707 total views

 71,707 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top