Linisin ang kapulisan

SHARE THE TRUTH

 197 total views

Mga Kapanalig, inilabas na ng Special Investigation Task Group 990 (o SITG 990) ng Philippine National Police (o PNP) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa hinihinalang cover-up o pagtatakip ng pulisya upang hindi maaresto si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo. Nadakip si Mayo sa isang operasyon noong Oktubre 2022 sa Maynila kung saan nasabat ang 990 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 6.7 milyong piso.    

Muling nabuksan ang kaso nang lumabas ang desisyon ng PNP na tangggalin sa serbisyo si Mayo nitong Marso lamang, limang buwan matapos ang operasyon. Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (o DILG) Secretary Benhur Abalos na imbestigahan ang mga posibleng iregularidad at anomalya sa kaso ni Mayo. Noong Abril 10, isiniwalat ni Abalos na mayroong “massive attempt” upang pagtakpan ang pagkakaaresto kay Mayo. Pinangalanan niya rin ang sampung pulis na may matataas na ranggo na sangkot umano sa sinasabing cover-up. Kung hindi sila kusang-loob na mag-leave, masususpinde ang mga pulis. Ani Abalos, sapat ang ebidensya ng DILG upang magsampa ng reklamo laban sa mga pulis.  

Nanatiling tikom ang mga opisyal ng PNP sa isyu hanggang nitong Abril 13 kung saan ibinahagi ng SITG 990 ang resulta ng kanilang hiwalay na imbestigasyon. Ayon sa kanila, mayroong 49 na pulis na sangkot sa nasabing cover-up. Kabilang sa kanila ang mga heneral, colonel, at hanggang sa patrolmen at women. Ibig sabihin, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang ranggo ng pulisya ay mayroong sangkot. Hanggang ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP.   

Marami ang nababahala sa isyung ito lalo na’t sangkot ang mga frontliners ng pamahalaan sa giyera kontra iligal na droga. Libu-libo ang namatay sa giyerang ito sa ilalim ng administrasyon Duterte. Ang pamilya ng mga biktima ay patuloy na nanawagan para sa hustisya. Patuloy din ang mga hakbang kontra iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Sa katunayan, inilunsad noong nakaraang taon ang “Buhay ay Inagatan, Droga’y Ayawan” (o BIDA) program sa bawat barangay. Layunin daw ng programang itong pababain ang demand o pagtangkilik sa iligal na droga.

Paano magiging matagumpay ang BIDA program kung mismong matataas na opisyal ng pulisya ang sangkot sa mga isyu ng anomalya at iregularidad na may kinalaman sa droga? Makaaasa ba tayong makakamit ng mga namatay sa war on drugs ang katarungan kung malawakang nangyayari ang pagtatakip sa mga kasong sabit ang mga pulis? Makakamit kaya natin ang isang malinis at mapagkakatiwalaang kapulisan? Sana naman. 

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahang ang kagalingan ng tao ang pangunahing dahilan ng pamamahala, kasama rito ang kapulisang dapat maglingkod para sa ating kaligtasan. Layunin ng pamamahalang siguruhing nakakamit ng taumbayan ang kabutihang panlahat o common good. Batay ito sa mahalagang tungkulin ng pamahalaang protektahan at itaguyod ang dignidad at mga karapatan ng bawat tao. Isinusulong ng pamahalaan ang dignidad ng tao at kabutihang panlahat kapag nagpapatupad ito ng mga patakarang magbubunga ng malayang pagsasabuhay ng taumbayan ng kanilang mga karapatan. Samakatuwid, kagalingan ng tao ang nangungunang layunin ng pamamahala. 

Kaya maituturing na seryosong pagyurak sa dignidad ng tao at taliwas sa tunay na hangarin ng pamamahala ang mga iregularidad at anomalya sa kapulisan. Hindi magtatagumpay ang anumang programa nila kung sumasalungat ang mga nagpapatupad ng batas sa hangaring tunay na maglingkod sa taumbayan. Malabo ring makamit ang katarungan kung mananatali ang bulok na sistema sa ahensya.  

Mga Kapanalig, bantayan natin ang isyung ito sa ating kapulisan. Patuloy tayong manawagan para sa malinis na kapulisan at mga tunay na lingkod-bayang katulad ni Hesus na, “naparito hindi para paglingkuran, kundi upang maglingkod,” ayon nga sa Marcos 10:45. 

Sumainyo ang katotohanan.  

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 2,557 total views

 2,557 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 14,635 total views

 14,635 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 34,047 total views

 34,047 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 45,167 total views

 45,167 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 49,098 total views

 49,098 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 2,558 total views

 2,558 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 14,636 total views

 14,636 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 34,048 total views

 34,048 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 45,168 total views

 45,168 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 49,099 total views

 49,099 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 61,032 total views

 61,032 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 57,430 total views

 57,430 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 57,039 total views

 57,039 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 79,866 total views

 79,866 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Arkitektura at Kultura

 94,295 total views

 94,295 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Urbanisasyon at Kaunlaran

 110,167 total views

 110,167 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 130,114 total views

 130,114 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanselado na ang PAREx!

 134,206 total views

 134,206 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalbaryo ng mga maralita

 79,510 total views

 79,510 total views Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw. Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ocean Health

 85,972 total views

 85,972 total views Summer na kapanalig, at halos lahat tayo sa beach na nais magpunta. Ang karagatan ang pangunahing destinasyon ng maraming Pilipino. Sa ating pag-eenjoy sa beach ngayong tag-init, naisip ba natin kahit minsan ang “ocean health”? Ang karagatan ay napakalawak na katawang tubig na umaakap sa maraming barangay, bayan, at bansa. Sa katawang tubig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top