Living Laudato Si Philippines, umaasang paiigtingin ni Cardinal Advincula ang laban para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total views

Umaasa ang Living Laudato Si – Philippines na maging isang epektibong pastol ang bagong talagang Arsobispo ng Maynila, ang Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula sa pagpapahalaga sa ating inang kalikasan.

Tiwala si Rodne Galicha, Executive Director ng grupo na paiigtingin ni Cardinal Advincula ang pagbibigay-pansin at halaga sa mga katutubong Pilipino na higit na apektado ng pang-uusig at pinapaalis sa mga minanang lupain bunsod ng mapanirang hangarin ng pag-unlad.

“We’re hopeful sa pagkatalaga kay Cardinal Jo na maging Arsobispo ng Maynila. ‘Yung kanyang mga positions lalong lalo na dun sa mga katutubo natin doon sa Panay [Island], isa ‘yun sa mga pahiwatig na ‘yung kanyang advocacy para sa kalikasan at sa mga katutubo ay nandyan,” bahagi ng pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Galicha na naaangkop ang Episcopal motto ni Cardinal Advincula na “Audiam” na nangangahulugang ito’y handang makinig, sa mensaheng nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pakikinig sa hinaing ng mundo at mga mahihirap.

Paliwanag ni Galicha na bagamat malaking hamon ang pakikinig, ito nawa sana’y maging instrumento ng Cardinal upang lalo pang mapakinggan ang hinaing ng kalikasan sa gitna ng patuloy nitong pagkasira dulot ng kapabayaan ng mga tao at pagbabago ng klima.

Gayundin ay marinig ang bawat hinaing ng mga mahihirap na lubhang apektado ng pagbabago sa kapaligiran lalong lalo na ng patuloy na umiiral na pandemyang dulot ng COVID-19.

“Hopeful ang Living Laudato Si Philippines at lalong lalo na dahil ang kanyang motto ay “Audiam”- siya ay makikinig. Tamang-tama ‘yan sa mensahe ng Laudato Si na we need to listen to both cries of the earth [and] the cry of the poor. Ang pakikinig ay malaking hamon na dapat magbibigay ng boses sa mga hinaing at pagtangis ng kalikasan lalo na ng mga maralita.” saad ni Galicha.

Si Cardinal Advincula ay kilala rin bilang makakalikasan at dalubhasa sa iba’t ibang uri ng matatandang punong-kahoy, kaya pinangarap nitong magkaroon ng isang hardin na nakatalaga mismo sa mga matatandang puno.

Ito ang iniwang pamana ng Cardinal sa Arkidiyosesis ng Capiz bago ito umalis patungong Maynila, kung saan pinangunahan nito ang paglulunsad sa Cardinal Jose Advincula Grove of Philippine Native Trees na mayroong 45-uri ng native trees na sumisimbolo sa ika-45 taon ng paglilingkod nito.

Hunyo 24, 2021, nang maganap ang makasaysayang pagtatalaga kay Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pangunguna ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 41,785 total views

 41,785 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 166,196 total views

 166,196 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 208,721 total views

 208,721 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 287,111 total views

 287,111 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top