Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 17,623 total views

Homiliya para sa ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Nov 2023, Mat 25:1-13


Isa sa pinaka-importanteng simbolo sa binyag, bukod sa tubig, ay ang ilaw. May parte sa ritwal ng binyag na sisindihan ng pari ang kandila mula sa Paschal candle at ibibigay sa bibinyagan o sa ninong kung musmos pa ang bibinyagan. Sasabihin niya, “Tanggapin mo ang ilaw ni Kristo…Panatilihin mong nakasindi ito upang sa pagdating ng Panginoon ikaw ay makasalubong…”
Obvious ba na ang pinagkuhanan ng inspirasyon para sa linyang iyon ay ang Gospel reading na narinig natin? Ito ang parable tungkol sa sampung dalaga na sumasalubong daw sa lalaking bagong kasal. Pare-pareho naman silang naghintay, nagdala ng kanilang mga nakasinding ilawan, pare-pareho din silang nakatulog at nagising nang dumating ang hinihintay. Ano ang ipinagkaiba ng limang marunong sa limang mangmang? Namatayan ng ilaw ang lima, kasi hindi sila nagbaon ng extrang langis; paano sila sasalubong? Ayun napagsarhan sila tuloy. Iyung lima nakasalubong dahil may baon silang langis, sakaling maatraaso ang pagdating ng sinasalubong.

Parable ito. Talinghaga, kailangan pagnilayan. Tungkol daw sa kaharian ng Diyos na parang kasalan. Kung gusto mong makasama sa handaan, sumalubong ka. At dahil ilaw ang pansalubong mo sa pagdating niya sa gabi, kailangan nakasindi ang ilaw. Ano ang dapat gawin para hindi mamatayan ng ilaw? Kung gasera iyan, medyo ingatan mo sa hangin. Takpan mo o tabingan sa pinagmumulan ng hangin. At para hindi maubos nang mabilis ang langis, baka kailangang bawasan nang konti ang pabelo. Pag masyadong malaki ang pabelo, masyado ring malaki ang apoy at malakas humigop ng langis. Pero di ba minsan, sa kabila ng lahat ng pag-iingat, pwede pa ring mamatayan ng apoy, hindi dahil sa hangin. Minsan ang problema hindi sa labas galing kundi sa loob—ubo na pala ng langis. Hindi mo napansin at napaghandaan, walang baon.

Hindi naman baon na langis, kundi dunong ang talagang pinahahalagahan sa ating ebanghelyo. Tutoo naman di ba, nilikha tayong matalino ng Diyos, pero minsan, hindi lang talino ang kailangan, hindi lang husay, galing, abilidad, tinik o pagiging maparaan. Kailangan ng dunong. Para bang sa chess, kailangan pag-aralan ang galaw ng kalaro. Pwedeng may plano ka, mahusay pero papalpak din dahil merong pwedeng mangyari na hindi mo ineexpect, wala sa plano mo. Patay kang bata ka, pag may plan A ka, pero walang plan B or plan C.
Minsan, sa di natin namamalayan, nabobobo na tayo, lalo na pag wala na tayong panahon para manahimik, mag-isip-isip, magnilay, maghintay, makinig, magdasal. Mga disiplina ito ng lahat ng taong gustong umunlad di lang sa kaalaman kundi sa karunungan. Hindi lahat ng maalam ay marunong. Kaya tuloy minsan may mga taong parang manok na tumatakbo na walang ulo, o walang direksyon. Nagkakalat.

Baka kasi ma-overconfident tayo porke’t mabait ang Diyos. Walan duda lahat naman talaga iniimbita niya. Tooo naman na may lugar siya para sa lahat, pero hindi naman niya ipipilit sa atin ang gusto niya. Kailangang gustuhin din natin, kaya depende pa rin sa atin kung makakapasok ba tayo o mapagsasarhan ng pintuan. Ang galaw ng Diyos sa buhay natin ay hindi naman laging predictable. Diyan nga magaling ang mga nanay natin. Magbibiyahe ka, pababaunan ka niya sa ng snacks, extrang tshirt, extrang brief, kasi di mo alam ang pwedeng mangyari. Hindi naman sapat sa mundo ang matalino, mabait, masipag, kailangan ding marunong. Di nga ba kasabihan natin, “Daig ng maagap ang masipag”?

May good news ako sa inyo. Ang extrang langis ay ibinigay na sa atin sa binyag, laging nandiyan dahil inihahanda tayo ng Diyos sa lahat ng pagkakataon, pati sa mga bagay na hindi natin inaasahan na pwedeng mangyari sa buhay natin sa mundong ibabaw. Ang problema, kahit nandiyan ang Espiritu Santo, maraming ibang mga espiritu na nandidiyan din. Hindi naman sisindi ang ilawan kung tubig o gatas o soft drinks ang ilalagay mo. Langis ang kailangan. Ang Espiritu Santo lang ang langis na magpapanatili sa ningas natin, sa kaluwagan at kagipitan, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa lahat ng pagkakataon. Sa kanya lang tayo magpagabay kung ibig nating makasalubong at makisalo sa handaan ng Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,384 total views

 70,384 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,379 total views

 102,379 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,171 total views

 147,171 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,147 total views

 170,147 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,545 total views

 185,545 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,169 total views

 9,168 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PERSEVERANCE

 8,530 total views

 8,530 total views HOMILY for my canonical Installation at the Titular Church of the Transfiguration in Rome — 29th Sunday, in Ordinary Time, 19 Oct 2025,

Read More »

SUNDIN ANG LOOB MO

 19,822 total views

 19,822 total views Homiliya para sa Miyerkules sa Ika-27 Linggo ng KP, 8 Oktubre 2025, Luk 11:1-4 Dalawa ang bersyon ng Panalanging itinuro ng Panginoon sa

Read More »

ANG DIYOS NA NAGLILINGKOD

 15,536 total views

 15,536 total views Homiliya para sa Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon – Oktubre 5, 2025 (Lk 17:5-10) Noong una, akala ko nagkamali si San Lucas sa

Read More »

WALANG PAKIALAM

 17,184 total views

 17,184 total views Homiliya para sa ika-26 Linggo ng KP, 28 Setyembre 2025, Amos 6:1a,4-7; Lukas 16:19-31 Sa isang rekoleksyon minsan binasa ko ang kwento ng

Read More »

GUSTONG YUMAMAN?

 16,507 total views

 16,507 total views Homiliya – September 19, 2025 Friday of the 24th Week in Ordinary Time, 1 Timoteo 6:2c–12, Lukas 8:1–3 Kamakailan, nag-celebrate ng birthday ang

Read More »

KAMUHIAN?

 15,266 total views

 15,266 total views Homiliya – Bihilya Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon, Triduum Mass para sa Birhen ng Nieva, 6 Setyembre 2025, Lk 14:25–33; Salmo 90 Napakalakas

Read More »

ENTIRE CUM ECCLESIA, SENTIRE CUM CHRISTO

 25,157 total views

 25,157 total views HOMILY for the Episcopal Ordination of Bishop Dave Capucao, 5 September 2025, Isa 61:1-13; Romans 14:1-12; John 10:11-16 Minamahal kong bayan ng Diyos

Read More »

MALINAW NA LAYUNIN

 20,797 total views

 20,797 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon, 3 Setyembre 2025, Lucas 4:38–44 “Dahil dito ako isinugo.” Mga kapatid, ngayong araw

Read More »
Scroll to Top