Maayos at payapang halalan, ipinagdarasal ng Obispo ng Baguio.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total views

Ganap na pagkakaroon ng maayos at mapayapang halalang pambarangay ang panalangin ni Diocese of Baguio Bishop Victor Bendico kasunod ng naganap na Peace Signing Covenant sa lalawigan.

Bilang Chairman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ng Diocese of Baguio ay nagpahayag rin ng pakikiisa ang Obispo sa panawagan ng Commission on Elections para sa isang matapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalang pambarangay.

Umaasa si Bishop Bendico na sa pamamagitan ng pananalangin ay maliwanagan ang mga kandidato sa halalang pambarangay ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo at pagkakaroon ng posisyon sa halip ay isang malalim na bokasyon upang gabayan ang mamamayan na maging isang matatag at maasahang pamayanan na nagkakaisa at nagtutulungan.

Bukod dito ipinagdarasal ng Obispo na maging ‘participatory’ ang paraan ng pamumuno ng mga maihahalal na opisyal ng bawat barangay kung saan magiging malaking bahagi sa pagtugon sa mga suliranin ng bawat miyembro ng kumunidad.

“We pray that for you candidates for Barangay and SK elections that indeed, it will not only be about winning or being successful. See your becoming and being a politician as a Vocation to guide people in becoming and being a Community. May your way of governance be a participatory way of governance.” Panalanagin ni Bishop Bendico.

Isinagawa ang Barangay and SK Election 2018 Peace Covenant Signing sa Our Lady of the Atonement Cathedral noong ika-3 ng Mayo.

Batay sa tala ng Department of the Interior and Local Government – Cordillera Administrative Region, may 128 ang bilang ng mga barangay sa Baguio City kung saan higit 115-libo lamang ang mga rehistradong botante mula sa higit 318-libong populasyon ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 94,188 total views

 94,188 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 94,188 total views

 94,188 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 94,188 total views

 94,188 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 91,377 total views

 91,377 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 83,487 total views

 83,487 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top