Magbahagi ng kaligayahan at kagalakan sa kapwa sa papalapit na pasko.

SHARE THE TRUTH

 639 total views

Ito ang paanyaya ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) kaugnay sa panibagong proyekto ng organisasyon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa papalapit na pasko.

Ayon sa PJPS, ang pasko ay panahon ng pagmamahalan na dapat ipadama hindi lamang sa kapamilya at kakilala kundi higit sa mga nalulumbay at naisasantabi sa lipunan.

“Give Joy On Christmas. Christmas is a time where love is more felt and experienced, we call to mind those who have none and those who have no one, especially those behind bars.“paanyaya ng PJPS.

Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) na pinamumunuan ni executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ ang mga paraan para makapagpaabot ng tulong, suporta at kagalakan sa mga bilanggo.

Layunin ng proyekto na makapagkaloob ng simpleng handa partikular ng mga spaghetti at fruit salad packages upang mapagsaluhan ng may 33,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City para sa darating na Noche Buena at Media Noche.

Una ng nakapagkaloob ng mga hygiene kits at ointment ang PJPS para sa mga bilanggo sa paggunita ng 35th Prison Awareness Week noong huling linggo ng Oktubre, 2022.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,870 total views

 24,870 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,875 total views

 35,875 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,680 total views

 43,680 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,239 total views

 60,239 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,972 total views

 75,972 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 556 total views

 556 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 5,540 total views

 5,540 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top