Bansang lumilikha ng polusyon, papanagutin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 769 total reads

Hinamon ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) at iba pang grupo ang mga bansang nangunguna sa paglikha ng polusyon na pagbayaran ang mga pinsalang humantong sa krisis sa klima.

Ginawa ng PMCJ ang panawagan bilang bahagi ng ginaganap na 27th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit sa Sharm El-Sheikh, Egypt hanggang November 18, 2022.

Ayon kay PMCJ national coordinator Ian Rivera, matagal nang panawagan ng iba’t ibang grupo ang pagtugon ng pamahalaan sa mga nangyayaring krisis sa kapaligiran ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan sa mga plano para sa kapakanan ng kalikasan at nakararami.

“We are speaking of deaths and the loss of lives, of losing members of families and communities. And there is no amount of finance and adaptation that can solve a continuing criminal act.” pahayag ni Rivera.

Binigyang-diin ni Rivera ang usapin hinggil sa ‘loss and damage’ na patuloy na iniiwasan ng mga mayayamang bansa sa kabila ng kanilang mga pagkakasala at obligasyong nagdudulot ng kapahamakan sa kalikasan at mga tao.

Dagdag pa ng opisyal na patuloy na isinasantabi ng mga bansang nangungunang dahilan ng climate change ang kawalang katarungan para sa milyon-milyong mamamayan at pamayanan mula sa mga mahihinang bansa tulad ng Pilipinas.

“The polluter countries must make amends for the harm done and adhere that Loss and Damage and the necessary climate finance be enshrined in the convention.” saad ni Rivera.

Sa muling pagkakatipon ng iba’t ibang bansa ngayong COP27 Summit, muling nananawagan ang PMCJ na magkaroon ng pananagutan ang mga bansang mayroong malaking ambag sa polusyon tulad ng Estados Unidos, China, at Japan, at simulang isulong at palakasin ang renewable energy.

Gayundin ang panawagan sa pamahalaan ng Pilipinas na tumugon sa hiling na ito, at manindigan kasama ang mga pamayanang lubos na napinsala ng mga sakunang sanhi ng krisis sa klima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 84,980 total reads

 84,980 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 116,710 total reads

 116,710 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 218,535 total reads

 218,535 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 259,095 total reads

 259,095 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,012 total reads

 276,012 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 137,765 total reads

 137,765 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top