Boses ng maralita, pakikinggan ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,037 total reads

Pinaiigting ng social action arm ng Archdiocese of Cebu ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga maralita.

Inilunsad ng Cebu Caritas Inc. – Commission on Service ang ‘Pakighimamat sa Anawim’ kung saan nabigyang pagkakataon ang mga mahihirap sa lalawigan na mapakinggan ng simbahan.

Ayon sa institusyon, layunin nitong mapakinggan at makapaglikha ng mga programa ang arkidiyosesis na pakikinabangan ng maralitang sektor at matulungang mapaunlad ang kanilang antas ng pamumuhay.

“The activity aims to listen to the cries and aspirations of the Anawim and to craft concrete programs and action plans to address their concerns. It is also a wonderful avenue for them to provide “sanctuaries” (dangpanan) for the various sectors when the need arises.” ayon sa Cebu Caritas.

Hinati sa tatlong grupo ang gawain kung saan nakatalaga sa bawat grupo ang mga obispo ng arkidiyosesis na sina Archbishop Jose Palma, Bishop Midyphil Billones at Bishop Ruben Labajo.

Batid ng simbahan ang mahirap na karanasan ng mga maralita dulot ng iba’t ibang pangyayari sa lipunan na nakadadagdag sa pasanin ng mamamayan tulad ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo at ang kawalang sapat na kita.
Nitong November 13 ipinagdiwang ng simbahan ang ikaanim na World Day of the Poor sa temang ‘For your sakes Christ became poor’ kung saan muling tiniyak ng simbahan ang pakikiisa at paglingap sa mga mahihirap sa lipunan.

Sa pag-aaral ng Social Weather Stations noong Oktubre naitala sa halos 13 milyong pamilya sa Pilipinas ang naghihirap habang halos tatlong milyon naman ang nagugutom.

Una nang inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Parish Caritas bilang hakbang sa pagpapaigting ng social programs ng simbahan at mapabilis ang paglingap sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 77,988 total reads

 77,988 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 180,127 total reads

 180,127 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 216,915 total reads

 216,915 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 247,490 total reads

 247,490 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 292,669 total reads

 292,669 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top