Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Modern technology, gagamitin ng Mindanao Bishops sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko

SHARE THE TRUTH

 910 total views

Tiniyak ng Mindanao Bishops ang pagpapaigting sa misyon upang higit na lumago ang pananampalataya.

Ito ang buod ng 17th Mindanao-Sulu Pastoral Conference na ginanap sa Cagayan de Oro nitong November 7 at 11.

Sa pinagsamang pahayag ng MSPC alinsunod sa temang ‘The Gift of Faith and New Evangelization as a Synodal Church’ palalawakin nito ang misyon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng teknolohiya.

“We continually commit ourselves, through the witness of our lives and the use of new and creative tools of evangelization (radio, television, print, and social media) to venture into new missionary frontiers (politics, culture, education, recreation, economics, etc.), to nurture and propagate the gift of faith with the same intensity and sense of purpose in the family especially those in difficult situations.” bahagi ng pahayag ng MSPC.

Bukod dito paiigtingin din ang Basic Ecclesial Communities at iba pang grupo na makatutulong mapaunlad ang simbahan batay sa tuntuning ‘communion, participation and mission’ at maging katuwang ng simbahan sa pangangalaga sa kawan ng Panginoon.

Pakikinggan din ng mga lider ng simbahan ang nasasakupang pamayanan lalo na ang mga naisasantabing sektor at walang boses sa lipunan kabilang na ang mga kabataan na tinaguriang tagapagsulong ng diyalogo, ‘peer evangelizers’ ng pananampalataya at ‘catalyst of change’.

“We continually commit ourselves to open the ears of our hearts to the voices that are often ignored, especially the poor and the marginalized, other sectors of society (LGBTQ+, PWD, OFW, etc.), the silent and even the discordant voices, so that our journey of faith will truly be inclusive and synodal.” giit ng grupo.

Isusulong din ng Mindanao Bishops ang pagpapatibay sa ecumenism at interreligious dialogue sa iba’t ibang pananampalataya.

Napagkasunduan din ng kapulungan ang pagtatatag ng Integral Ecology Ministry na tututok sa mga programang mangangalaga sa kalikasan at ang Ministry of Research and Studies na mangangasiwa sa mga datos hinggil sa gawaing ebanghelisasyon at misyon ng simbahan.

Dumalo sa ika – 17 pagtitipon ng MSPC ang 275 delegado mula sa 21 diyosesis sa Mindanao region habang nakiisa rin sa pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 11,140 total views

 11,140 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 27,229 total views

 27,229 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,982 total views

 64,982 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,933 total views

 75,933 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 20,487 total views

 20,487 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top