Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magdasal at maging handa sa kalamidad, apela ng Diocese ng Alaminos at Urdaneta

SHARE THE TRUTH

 233 total views

Umaapela ng panalangin at kahandaan ang dating Social Action Director ng Diocese of Alaminos na si Father Wendell De Vera matapos ang magnitude 5.3 na lindol sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Fr. De Vera, bagamat walang pinsala na naiulat ay mahalaga na magdasal at magkaroon ng kahandaan ang mamamayan mula sa mga banta ng kalamidad gaya ng paglindol.

Aminado ang pari na may kalakasan ang naramdaman na pagyanig bagamat hindi naman ito nagtagal at pinagpapasalamat na lamang nila na hindi na ito nagdulot ng malawak na pinsala.

“Sandali lang naman, wala naman pinsala, kagabi naramdaman namin malakas pero sandali lang, tinanong ko ang Pari sa Bolinao wala naman naiulat na pinsala,”pahayag ni Fr. De Vera sa panayam ng Radio Veritas.

Naramdaman din ang ilang segundong pagyanig sa bahagi ng Diocese of Urdaneta.

Sinabi ni Father Abet Viernes, social action director ng Diocese of Urdaneta na wala namang destruction o pinsala sa kanilang lugar.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS naitala ang sentro ng pagyanig 31 kilometro hilaga ng Bolinao, Pangasinan.

Naramdaman ang intensity 4 sa Lingayen, Pangasinan at Alalem, Ilocos Sur habang intensity 3 naman sa San Carlos, Pangasinan, Makati City Pasig City at Quezon City.

Magugunitang 12 araw mula ngayon ay gugunitain ang ikatlong taong paglindol sa lalawigan ng Bohol at Cebu kung saan tinatayang nasa mahigit 200 ang nasawi at halos isang libo katao ang nasugatan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 9,854 total views

 9,854 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 29,539 total views

 29,539 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 67,482 total views

 67,482 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 85,708 total views

 85,708 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 34,622 total views

 34,622 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 47,914 total views

 47,914 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
1234567