Maging daluyan ng awa at habag ng Panginoon, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total views

Hindi dapat na baliwalain ang habag o awa ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Diocese of Baguio Bishop Victor Bendico kaugnay sa paggunita ng Divine Mercy Sunday sa gitna ng panahon ng pandemya.

Ayon sa Obispo, sa kabila ng modernong panahon at pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya at kaalaman ay walang anuman ang makapapantay sa awa at pagmamahal ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bendico bago pa man isilang ang bawat isa ay higit ng nanaig ang walang hangganang awa at pagmamahal ng Diyos para sa lahat.

“Let us not think that mercy is irrelevant and old-fashioned in this digital world. The mercy of God has always been with us even before our birth. It will always remain with us since his mercy endures forever.” ang bahagi ng mensahe ni Baguio Bishop Victor Bendico sa Radio Veritas.

Hinikayat rin ng Obispo ang bawat isa na maging daluyan ng awa at pagmamahal ng Diyos lalo na para sa kapwa na dumaranas rin ng mga paghihirap at pagdurusa.

Igimiit ni Bishop Bendico na tulad ng halimbawa ng Panginoon ay dapat ring manaig ang pagiging mahabagin at mapagmahal ng lahat sa kanilang kapwa pamamagitan ng pagsasantabi ng mga pansariling interes at pagkakanya-kanya.

Hinimok rin ng Obispo ang lahat na muling tuklasin at palalimin ang pag-unawa at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos gayundin ang kahalagahan ng katahimikan kung saan higit na masusumpungan ang presensya ng Panginoon.

“Let us be bearers of God’s mercy. Let us unchain ourselves of selfishness and show mercy to others. Be merciful for the God will also be merciful to us (cfr. Lk. 6:36). Let us rediscover always the Word of God and the value of silence. There, the compassionate Lord is found. There the face of the merciful God becomes vivid which finds expression in the faces of our suffering brothers and sisters.” Dagdag pa ni Bishop Bendico.

Ang Divine Mercy Sunday ay ginugunita sa unang Linggo matapos ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 31,734 total views

 31,734 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 31,734 total views

 31,734 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 31,734 total views

 31,734 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 30,650 total views

 30,649 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 27,865 total views

 27,864 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top