Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Desperasyon sa bayang nangangapa

SHARE THE TRUTH

 173 total views

Mga Kapanalig, nakapanlulumo na ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 nitong mga nakalipas na linggo, at nakikita nating nagpapatuloy ito sa kabila ng pagsasailalim sa Metro Manila at karatig na probinsya sa enhanced community quarantine (o ECQ).

Bubuti pa kaya ang ating kalagayan? Ganito rin marahil ang inyong tanong pagmulat ng inyong mga mata sa umaga, at tunay namang nakapanghihina ng loob na wala tayong mahanap na sagot. Kaya hindi na nakapagtataka kung marami ang kumakagat, ‘ika nga, sa mga balita tungkol sa mga sinasabing lunas sa COVID-19.

Gaya na lamang ng Ivermectin, isang gamot na pampurga sa mga hayop. Para kay Anakalusugan Representative Mike Defensor, ito ang nakatulong sa kanya noong nagkaroon siya ng COVID-19, kaya naman, namahagi siya nito sa ilang residente ng Quezon City noong nakaraang linggo. Ginawa niya ito kahit pa sinasabi ng mga eksperto sa medisina na walang sapat at matibay na ebidensyang epektibo ang Ivermectin sa pag-iwas o paglaban sa kumakalat pa ring virus. Ito ang paninindigan ng World Health Organization (o WHO) at ng ating Food and Drug Administration (o FDA).[2] Ayon sa WHO, bagamat may 16 na controlled trials na naisagawa, inconclusive ang resulta ng mga ito; ibig sabihin, kulang pa rin ang datos upang masabing magagamit ang gamot na ito sa labas ng mga laboratoryo. Sa Pilipinas, pinapayagan lamang ang paggamit ng Ivermectin na ipinapahid bilang lunas sa ilang sakit sa balat at kuto.

May mangilan-ngilang medical practitioners na sumasang-ayon sa paggamit ng Ivermectin para sa mga pasyenteng may COVID-19, ngunit mismong ang Philippine Medical Association ay nagbabala sa mga kasapi nito na huwag magbibigay sa kanilang mga pasyente ng isang gamot na hindi rehistrado. Ang ganitong gawain ay salungat sa pangunahing prinsipyong pinanghahawakan ng mga nasa larangan ng medisina—ang “do no harm” o ang hindi pagpapahamak sa mga pasyente. At mismong ang kompanyang gumawa ng Ivermectin ang nagsabing hindi dapat gamitin ang pampurgang ito para sa mga nahawahan ng COVID-19. Kung ang mismong gumawa ng gamot at maaaring kumita nang malaki sa pagbebenta ng Ivermectin ang nagsabing hindi ito dapat gamiting gamot laban sa COVID-19, bakit patuloy ang pagpatol ng mga tao—may katungkulan man sa pamahalaan, mga propesyunal, at karaniwang mamamayan—sa mga balita tungkol dito?

Sinasalamin ng nangyayaring ito ang desperasyon ng marami sa atin upang matapos na ang kalbaryong dulot ng pandemya. Samantala, may mga pulitiko at taong nasa poder na sinasamantala ang desperasyong ito upang lumabas na tagapaghatid ng pag-asa sa nangangapang bayan.

Ngunit ito ang dapat nating maintindihan: ang desperasyong ito ay bunga ng napakalaking kapalpakan ng ating pamahalaan sa pagtugon sa pandemyang mahigit isang taon nang nagpapahirap sa ating lahat, lalo na sa mga maliliit at mahihina. Ang pagkagat ng mga tao sa mga balita tungkol sa mga makapaglulunas umano sa COVID-19—kahit pa ang pampurga sa mga hayop—ay para bang pagkapit sa maliit na sinag ng pag-asa sa gitna ng napakadilim nating kalagayan.

Sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, binigyang-diin ni Pope Francis ang kahalagahan ng pag-unawa nating walang naililigtas nang mag-isa; maililigtas lamang tayo nang magkakasama. Ngunit dapat tayong maging mapagbantay sa mga mistulang naglalako ng kaligtasan mula sa isang sakit na hindi pa rin natin lubusang nauunawaan. Ang tunay na kaligtasan ay mangyayari kung lahat ay nagtutulungan, nakikinig sa katwiran, at interes ng lahat ang inuuna. Paalala pa nga sa 2 Timoteo 2:15, “sikapin mong maging… isang manggagawang… tama ang paggamit sa salita ng katotohanan.”

Mga Kapanalig, hindi maikakailang desperado na tayo, ngunit huwag sana itong maging dahilan upang mahulog tayo sa higit pang kapahamakan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,795 total views

 24,795 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,276 total views

 32,276 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,416 total views

 45,416 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,389 total views

 51,389 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 57,142 total views

 57,142 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,796 total views

 24,796 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,277 total views

 32,277 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,417 total views

 45,417 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,390 total views

 51,390 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 57,143 total views

 57,143 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,884 total views

 41,884 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,968 total views

 42,968 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,349 total views

 38,349 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,353 total views

 50,353 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,395 total views

 58,395 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,952 total views

 49,952 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,377 total views

 48,377 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,163 total views

 50,163 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,088 total views

 47,088 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,402 total views

 61,402 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top