Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging pag-asa ng kapwa

SHARE THE TRUTH

 293 total views

May 28, 2020, 8:44AM

Ang pag-akyat sa langit ni Hesus ay hindi dapat na ituring na pag-abandona o pang-iiwan ng bugtong na anak ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito ang pagninilay ni CBCP – Episcopal Commission on Youth Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus at nakatakdang paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na na hudyat ng pagtatapos ng Easter Season o Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ayon sa Obispo, ang pag-akyat sa langit ni Hesus ay hindi pang-iiwan sa sangkatauhan sa halip ay pagbibigay ng lakas at katatagan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Banal na Espiritu upang magsilbing gabay ng bawat isa.

Ipinaliwanag ni Bishop Alarcon na ipinagkaloob ng Panginoon ang Banal na Espiritu bilang gabay sa katotohanan lalo na sa gitna ng maraming pagsubok at pangamba na nadarama ng bawat isa.

“Itong Ascension is Jesus parang goes up but He really doesn’t leave us in fact He empowers us and we must spread the Word, the Truth that God is with us, He is still the Emmanuel God with Us, He sent us the Spirit for assistance, the spirit of truth especially now that we have many questions but we pray that with the guidance of the spirit of truth who will draw us with the truth will help us understand and find meaning in all this difficulties, challenges, trials that we are facing…” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa naman ang Obispo na nawa ay magsilbing gabay rin ang Banal na Espiritu upang tulad ng nais ng mga kabataan ay mas maging totoo at bukas ang bawat isa sa tunay na mensaheng ipinapahatid ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ipinagdarasal ni Bishop Alarcon na magsilbing daan ang Banal na Espiritu upang magkaroon ng mas malawak at malalim na pag-unawa ang bawat isa sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagkikipag-unayan upang magsilbing tagapaghatid ng pag-asa at pagbabago sa daigdig.

“Be authentic yan ang gusto ng mga kabataan that we be authentic, that we be sensitive to others and that we also act on God’s message it is not just listening but to act based on the message so that we may change perspective, widen understanding, bring people together to collaborate so that they can make a difference, so that they can be, may we bring hope to others…”pahayag ng Obispo

Ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus ay ginunita isang linggo bago ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na pagdiriwang sa pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles na ginugunita tuwing ikapitong Linggo makalipas ang Linggo ng Pagkabuhay.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 136,568 total views

 136,568 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 144,343 total views

 144,343 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 152,523 total views

 152,523 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 167,140 total views

 167,140 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 171,083 total views

 171,083 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 2,827 total views

 2,827 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 28,055 total views

 28,055 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 28,739 total views

 28,739 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top