3,583 total views
Hangarin ng Archdiocese of Manila Social Communications Ministry na maging ang sentro ang panginoon sa pagmimisyon ng bawat Social Communications Ministry (Soccom) ng simbahan.
Ito ang mensahe ni Ms Jheng Prado ng Archdiocese of Manila Social Communications Ministry at RCAM Archdiocesan Office of Communications sa idinadaos na 2025 Media Convention Social
Communications Masterclass.
Tiwala si Prado na kapag ang panginoon at Hesukristo ang naging sentro ng mga social communication ministry ay higit na mapapalalim ang pananampalataya at pagsisilbi nito sa mga mananampalataya at buong simbahan.
“Sana po yung mga Social Communications Ministers ng different parishes under the Archdiocese ay magkaroon pa po ng mas malalim na kahulugan yung pag-join nila or pag-serve nila sa kanilang ministry, hindi lang po yan- hindi lang para maging sikat, hindi lang para magkaroon ng pangalan kungdi mag-serve dahil yun yung laman ng puso nila, mag-serve dahil may calling sila to serve, mag-serve dahil mayroon silang pagmamahal hindi lang sa co-ministers nila,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Prado.
Positibo si Prado na kapag mayroong purpose ang bawat Socom ministers ay higit na mapapalaganap ang mabuting balita ng panginoon at mahimok ang Kabataan at mananampalataya na lalong pagbutihin ang paglilingkod sa simbahan.
Ang 2025 Catholic Media Convention ay ang taunang gawain ng Archdiocese of Manila Social Communications Ministry na tinitipon ang mga Soccom Ministers o volunteers mula sa ibat-ibang bikaryato o diyosesis upang linangin at hasain ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pamamahayag ng salita ng Diyos sa kanilang mga parokya at diyosesis.