Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,390 total views

Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan.

Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop ang mamamayan sa iba’t ibang usapin at krisis sa kapaligiran.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa isinasagawang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Jaro, Iloilo mula June 17-21, 2024.

“Unang-una ay mahihikayat at mabubuksan natin ang kaisipan ng ating fellow Christians on our social responsibility. Ang ating pananampalataya ay dapat hindi lamang ako ang maligtas, kung hindi tayong lahat ay maligtas. So, meron tayong social responsibility component d’yan at ‘yun ang gusto nating bigyan ng halaga nitong ating social action ministry at ipalaganap ang social teachings of the church,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ni Bishop Bagaforo na kabilang sa mga pagtutuunan sa 41st NASAGA ay ang assessment sa mga programa sa political at ecological advocacy ng simbahan, reorganization sa social action ministries ng bawat diyosesis, at ang Alay Kapwa Expanded campaign program.

Magugunita sa 40th NASAGA 2022 sa General Santos City, South Cotabato nang mapagkasunduan ng bawat social action centers ng diyosesis sa bansa ang pagtatatag sa Good Governance Ministry o Good Governance Movement, Justice and Peace Ministry, at Ecology o Environmental Ministry na layong tumugon sa pangangailangan lalo na ang kabilang sa mahihirap na sektor ng lipunan.

“The first thing that we will do dito sa NASAGA ay i-assess natin kung ano na ‘yung ating nagawa in terms of political advocacy on Good Governance at saka sa ating mga activities in order to address itong ecological crisis natin,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Halos 300 kinatawan mula sa 65 sa 85 diyosesis sa bansa ang makikibahagi sa 41st NASAGA, na isinasagawa lamang tuwing ikalawang taon.

Tema ng pagtitipon ng mga kinatawan ng Diocesan social action centers ang “Social Action Network: Journeying to Empower Communities in Faith, Love, and Justice”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 5,458 total views

 5,457 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 28,617 total views

 28,616 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 49,892 total views

 49,892 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 222,402 total views

 222,402 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top