14,884 total views
Nadismaya ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa pagkabilang ng Pilipinas sa ‘Top 10 most Dangerous Countries in the World’ sa 8-magkasunod na taon base sa pag-aaral ng International Trade Union Confederation – Global Rights Index.
Ayon kay CWS National Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, naninindigan at isinusulong ng simbahan ang karapatan at dignidad ng mga manggagawa.
Itinuring din ng Obispo na banta ang mga polisiya at batas na pinapalala ng mga kaso ng red-tagging’ sa mga manggagawa.
“CWS remains firm and steadfast in its mandate to uphold and advance workers’ rights. CWS holds the present and past administrations accountable for the gross human rights violations on workers’ rights, including red-tagging. Instead of being defensive and downplaying extra judicial killings and human rights violations as “isolated cases” the present administration must establish concrete mechanisms to bring justice to the victims.” paninindigan ni Bishop Alminaza
Nanawagan ang Obispo sa administrasyong Marcos na tiyaking ligtas at protektado ang karapatan ng mga manggagawa.
“CWS reiterates its call on the Philippine government to ensure that the rights of workers be protected,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.
Tiniyak ng Obispo ang patuloy na pakikiisa sa mga manggagawa upang mapalakas sa tulong ng simbahan ang apela na tiyaking ligtas ang sektor sa anumang uri ng paniniil at iba pang panawagan na itaas ang suweldo o makamit ang mga pantay na benepisyo sa paggawa.
Ayon naman kay CWS National Capital Region Chairman Father Noel Gatchalian, labas na nakakabahala at nakakalungkot na patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga napapatay na labor leaders at member sa lipunan.
“Ngunit ang mga manggagawa, hindi naman tayo magpapadala sa takot kungdi nagpadala tayo na kahirapan at kawalan ng katarungan, dapat na maging masigasig pa tayo bilang mga manggagawa atsaka kasi kung tayo ay magpapadala sa takot at sa paggagawa nila ng batas na hindi makatarungan, mas lalo tayong kaawa-awa, kinakailangan natin na ipagtanggol ang ating sarili at karapatan ng mga manggagawa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Gatchalian.
Ayon sa pag-uulat ng mga Labor Groups, simula noong 2016, umaabot na sa 72 ang bilang ng mga labor leaders at members na napapatay sa kanilang hanay.
Naging kasama naman ng Pilipinas sa listahan ‘Top 10 most Dangerous Countries for Labor Leaders and Members’ ang mga bansang Bangladesh, Belarus, Ecuador, Egypt, Eswatini, Guatemala, Myanmar, Tunisia at Turkiye.