Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Proteksyon para sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

 42,122 total views

Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas. 

Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng bigas, lalo na para sa mahihirap. 

Paano ito mangyayari?

Inanunsyo ng National Economic and Development Authority (o NEDA) ang pag-apruba sa bagong Comprehensive Tariff Program na ipatutupad mula ngayong taon hanggang 2028. Layon nitong panatilihing abot-kaya ang presyo ng mga bilihin. Bahagi ng programang ito ang pagbababa sa taripa o buwis na ipinapataw sa mga inaangkat nating produkto. Ang bigas, halimbawa, ay papatawan na lang ng buwis na 15% mula sa umiiral na 35%. Magreresulta ito sa pagbaba ng presyo ng bigas, na nitong mga nakalipas na buwan ay sumipa nang napakabilis. 

Good news ito para sa ating mga mamimili, lalo na sa mga kababayan nating pilit na naghihigpit ng sinturon, matustusan lamang ang kanilang mga pangangailangan. Kumpara kasi sa presyo ng ibang produkto, pinakamabilis ang pagtaas ng sa bigas. Nasa 24.4% ang tinatawag na rice inflation noong Marso at inaasahang mananatiling mahal ang bigas hanggang Hulyo dahil sa El Niño at kakulangan sa world supply. Noong Marso, ang average na presyo ng regular milled rice ay sumampa na sa mahigit ₱50 kada kilo. Ang pagbulusok ng presyo ng pagkaing hindi mawawala sa ating mesa ay isa sa mga dahilan kung bakit ibababa ng pamahalaan ang taripa sa bigas na galing sa ibang bansa. 

Pero may mga ekspertong nangangambang negatibo ang maging epekto ng pagbababa ng taripa sa mga lokal na magsasaka. Maaari kasing bumagsak din ang presyo ng bigas na binibili mula sa ating mga magsasaka dahil kung hindi, mas tatangkilin ng marami ang mas murang imported na bigas. Sa huli, ang makikinabang daw ay ang mga dayuhang producer. Pinawi naman ng National Food Authority (o NFA) ang pangambang ito. Tiniyak ng NFA na bibilhin pa rin nito ang bigas ng mga lokal na magsasaka sa halagang hindi sila malulugi. Ganito rin sana ang gawin ng mga pribadong traders

Bilang mga mamimili, ang main concern natin marahil ay kung paano mapagkakasya ang ating badyet sa araw-araw. Isinasaalang-alang ito ng ating gobyerno kaya gumagawa ito ng mga paraan para hindi lalong mabutas ang ating mga bulsa. Ngunit alalahanin din sana natin ang kalagayan ng ibang sektor—gaya ng mga magsasaka—na posibleng makaranas ng negatibong epekto ng mga patakarang pumapabor sa iba. Isa nga ang mga magsasaka sa mga pinakadukha sa ating bayan.

Ang Pilipinas ang pinakamalaking rice importer sa buong mundo. Patunay ito na kulang na kulang ang ating lokal na produksyon para tapatan ang lumalaking pagkonsumo natin. Kaya patuloy ang panawagan ng ating mga magsasaka ng sapat at akmang tulong para palakihin ang kanilang ani. Kasama sa mga mungkahing hakbang ay ang paggamit ng mga tinatawag na hybrid varieties, mainam na paggamit ng pataba o fertilizers, pagsasanay sa mga magsasaka sa paggamit ng makabagong teknolohiya, at paghikayat sa kabataang magsaka. 

Sapat na ba ang ginagawa ng ating pamahalaan sa mga bagay na ito? O kulang pa rin ba kaya pag-aangkat ang pangunahing estratehiya nito?

Mga Kapanalig, minsang sinabi ni Pope Francis na walang sangkatauhan kung walang pagsasaka. Kung walang pagkain, walang buhay sa mundong ibabaw. Kaya naman, maging masigasig din sana tayo, sa pangunguna ng ating gobyerno, na bigyang-proteksyon ang mga Pilipinong magsasaka. Sa ganitong paraan, “ang magsasakang nagtatrabahong mabuti,” wika nga sa 2 Timoteo 2:6 “[ay] unang [makikinabang] sa bunga ng [kanilang] pinaghirapan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,901 total views

 5,901 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,041 total views

 19,041 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,014 total views

 25,014 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,769 total views

 30,769 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,031 total views

 38,031 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,902 total views

 5,902 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,042 total views

 19,042 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 25,015 total views

 25,015 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,770 total views

 30,770 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 38,032 total views

 38,032 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,066 total views

 41,066 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,447 total views

 36,447 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,451 total views

 48,451 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,493 total views

 56,493 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,050 total views

 48,050 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,475 total views

 46,475 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,261 total views

 48,261 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,186 total views

 45,186 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,500 total views

 59,500 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,190 total views

 63,190 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top