Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magkaugnay ang Pilipinas at Sudan

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Mga Kapanalig, malaki ang ating pasasalamat sa pamahalaan para sa hindi nito pagpapabaya sa ating mga kababayang naipit—at patuloy na naiipit—sa lumalalang tensyon sa bansang Sudan. Ang nangyayaring gulo roon ay bunga ng agawan sa kapangyarihan at kontrol ng dalawang dalawang grupong nagpatalsik sa presidente ng Sudan noong 2019.  

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, mahigit isandaang Pinoy evacuees na ang nakabalik ng Pilipinas sa tulong ng Department of Migrant Workers (o DMW) at ng Department of Foreign Affairs (o DFA). Inaasahan namang makababalik na ng bansa ang mahigit 660 na mga Pilipinong nakaalis na ng Khartoum, ang kabisera ng Sudan. May mga patawíd na ng border ng Sudan at Egypt, habang ang iba naman ay nasa Cairo, Egypt kung saan may repatriation flights nang inihanda ang ating gobyerno. May ilan namang sa Jeddah, Saudi Arabia lilipad pabalik ng Pilipinas. 

Dahil sa trauma na dinanas ng ating mga kababayan sa Sudan, agad silang binibigyan ng psycho-social intervention pagdating sa bansa. Hindi biro ang takot na maaaring nakatatak na sa kanilang isipan. Ang mga overseas Filipino workers (o OFW) naman ay makatatanggap ng limampung libong piso mula sa DMW. Ganito rin ang halagang ipagkakaloob ng Overseas Workers Welfare Administration (o OWWA). Tutulungan naman ng DMW na mahanapan ng employers sa ibang bansa ang mga Pinoy skilled workers na nawalan ng trabaho sa Sudan. 

Ang pagkakaipit sa digmaan ang isa sa mga nakatatakot na karanasang kinakaharap ng mga kababayan nating naghahanap lamang ng trabahong magbibigay sa kanila ng kakayahang maitaguyod ang kanilang naiwang pamilya. Isa ito sa mga peligrong handang suungin ng mga ama, ina, kapatid, at anak para lamang mabigyan ng magandang buhay ang mga umaasa sa kanila, isang magandang buhay na mailap sa kanila sa sarili nating bayan. Ayon sa DMW, kabilang sa mga OFWs sa Sudan ay mga guro, nars, construction workers, at engineers—mga talentong pinakikinabangan sana natin sa Pilipinas kung sapat ang mga oportunidad dito para sa mga katulad nila. Kung ang mga OFWs sa Sudan ay may pagkakataon sa Pilipinas na makatanggap ng suweldong natatanggap nila sa ibang bayan, tiyak na hindi nila pipiliing iwan ang kanilang pamilya at makipagsapalaran sa ibayong-dagat. 

Ang pangingibang-bansa upang magtrabaho ay isang karapatang kinikilala ng ating Simbahan. Ang karapatan namang ito ay nakabatay sa katuruan ng ating Santa Iglesia na ang lahat ng biyayang matatagpuan sa mundong nilikha at pinagkaloob sa atin ng Diyos ay para sa lahat. Sa mata ng Diyos, tayo, bilang nilikhang kawangis niya ayon nga sa Genesis 1:27, ay pantay-pantay. Kapag hindi makamit ng isang tao ang isang makahulugang buhay sa sarili niyang bayan, siya ay may karapatang hanapin ito sa ibang lugar.

Gayunman, nananatili ang tungkulin ng mga namumuno ng mga bansang tiyaking hindi mapipilitan ang mga mamamayan nilang lisanin ang kanilang bayan, lalo na kung ilalagay nito sa alanganin ang kanilang buhay. Sa kalagayan natin ngayon sa Pilipinas, hindi natin maitatangging kaakit-akit para sa marami sa ating mga kababayang makipagsapalaran sa ibang bayan. Hindi natin sila masisisi. Kaya nararapat lamang na laguing nariyan ang ating pamahalaan para sa ating mga OFWs, bagay na nakikita naman natin ngayon sa pagtugon nila sa epekto ng gulo ng Sudan sa mga kababayan nating naroroon. Ngunit marami pang kailangang gawin, lalo na sa paglikha ng mga oportunidad sa ating bansa nang sa gayon ay hindi na kailanganing mangibang bansa ng mga naghahanap ng trabaho. 

Mga Kapanalig, ipanalangin natin ang kapayapaan sa buong mundo, lalo na sa mga bansang katulad ng Sudan. Sa naging epekto ng kaguluhan doon sa ating mga OFWs, nakikita natin ang katotohanang lahat tayo—nasaan man sa mundo—ay magkakaugnay.  

Sumainyo ang katotohanan.  

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 32,901 total views

 32,901 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 40,382 total views

 40,382 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 53,522 total views

 53,522 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 59,495 total views

 59,495 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 65,248 total views

 65,248 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 32,902 total views

 32,902 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 40,383 total views

 40,383 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 53,523 total views

 53,523 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 59,496 total views

 59,496 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 65,249 total views

 65,249 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 42,401 total views

 42,401 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 43,485 total views

 43,485 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,866 total views

 38,866 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,870 total views

 50,870 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,912 total views

 58,912 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 50,469 total views

 50,469 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,894 total views

 48,894 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,680 total views

 50,680 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,605 total views

 47,605 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,919 total views

 61,919 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top