Mahihirap na naman ang sinisisi

SHARE THE TRUTH

 161,038 total views

Mga Kapanalig, sa isa na namang pagtatangka ng gobyernong linisin ang Ilog Pasig, mga mahihirap na naman ang target na paalisin sa kanilang mga tahanan.

Dalawang Miyerkules na ang nakalilipas nang ilunsad ng pamahalaan ang “Pasig Bigyang Buhay Muli” o PBBM, isang pangalang halatang isinunod sa initials ng presidente. Salamat sa 18 bilyong pisong donasyon mula sa pribadong sektor, mapapaganda na raw ang Ilog Pasig upang maging sentro ng negosyo at turismo. Ang pampang ng ilog mula sa lungsod ng Pasig hanggang Maynila ay patatayuan ng tinatawag na mixed-use development. Sa showcase area kung saan inilunsad ang proyekto—ito ay sa may bahagi ng Manila Central Post Office—magkakaroon daw ng mga public parks, pedestrian-friendly walkway, water fountain, at sitting areas para sa mga open-air events. “Bagong pag-asa” at “isang malaking hakbang patungo sa Bagong Pilipinas” ang PBBM, sabi ni PBBM. 

Hulyo noong isang taon nang lagdaan ni Pangulong BBM ang Executive Order No. 35. Isa itong kautusan upang i-rehabilitate ang Ilog Pasig at ibalik ito sa “historically pristine condition”. Nais ng gobyernong maging malinis ang ilog at ang kapaligiran nito upang magkaroon tayo ng alternatibong transportasyon at mga espasyo para makapaglibang ang ating mga kababayan, lalo na ang mga bata at matatanda. Magagandang layunin ang mga ito, hindi po ba? 

Ngunit kasabay ng paglulunsad ng proyektong buhayin muli ang Ilog Pasig ay ang anunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na kakailanganing alisin ang mahigit 10,000 na informal settler families (o ISFs) sa mga daluyan ng tubig at esterong konektado sa Ilog Pasig. Katulad ng dati, ang mga pamilyang nakatira sa tabing-ilog at mga komunidad na walang kasiguruhan sa paninirahan ang laging sinisisi sa pagiging marumi ng Ilog Pasig. 

Hindi naman natin itinatanggi ang kontribusyon ng mga komunidad na ito sa duming napupunta sa ilog. Pero hindi ba makokontrol iyon kung maayos na kinokolekta ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang basura? Kung may puwang din lamang sila sa mas ligtas na lugar sa mga lungsod, mapipilitan ba silang tumira sa tabing-ilog na napakadelikado rin? 

Dagdag ni Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA) Chairman Romando Artes, pansamantalang ililipat ang mga ISFs sa mga container vans. Ilalagay ang mga ito sa mga itatalagang staging areas o mga lugar kung saan mananatili ang mga apektadong pamilya habang ipinatatayo naman ang pabahay na paglilipatan nila. 

Iyon ay kung may paglilipatan nga sila o kung kakayanin nga nilang lumipat sa mga proyektong pabahay na ito. Ang gusto kasi ng DHSUD, ayon mismo sa MMDA, ay mga high-rise buildings o mala-condominium na pabahay. At hindi libre ang mga ito. Babayaran ng mga pamilya ang paglilipatan nila, at batay sa mga paunang kalkulasyon, hindi kakayanin ng bulsa ng mahihirap ang buwanang hulog para sa isang unit. Lagi namang sinasabi ng DHSUD na may subsidiyang ibibigay ang gobyerno upang maging abot-kaya ang mga proyektong pabahay nito. Ngunit kakayanin ba talagang magbigay ng malaking subsidiya ng gobyerno nang pangmatagalan?

Mga Kapanalig, isa sa mga batayang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan ang pagkiling sa mahihirap o preferential option for the poor. Sa pagbuhay muli sa Ilog Pasig, makita sana natin ang pagkiling na ito sa pamamagitan ng pagtitiyak ng gobyernong hindi maisasantabi ang mahihirap. Sa halip na hayaang maging tampulan ng sisi at paalisin sa kanilang tirahan na parang basura, isama sana sila sa pagpaplano ng kanilang komunidad. Bigyan din sila ng pagkakataong manatili sa lungsod na lumago dahil sa kanilang pagsusumikap. Tayo namang sabik na sabik na palayasin ang mga ISFs, tandaan sana nating “ang humahamak sa [mahihirap],” ayon nga sa Mga Kawikaan 14:21, “ay gumagawa ng masama.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 70,254 total views

 70,254 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 81,047 total views

 81,047 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,453 total views

 86,453 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 123,536 total views

 123,536 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 135,182 total views

 135,182 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pinupulitikang ayuda

 70,255 total views

 70,255 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa kita

 81,048 total views

 81,048 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,454 total views

 86,454 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 123,537 total views

 123,537 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 135,183 total views

 135,183 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 105,882 total views

 105,882 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 111,675 total views

 111,675 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 124,057 total views

 124,057 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 72,373 total views

 72,373 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 107,579 total views

 107,579 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 153,412 total views

 153,412 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 154,430 total views

 154,430 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 128,196 total views

 128,196 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 125,255 total views

 125,255 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 126,297 total views

 126,297 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top