242 total views
Ito ang panawagan ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa nakaambang pagrelocate sa mahigit 50 libong mga informal settler families (ISF’s) sa Quezon City para bigyang daan ang ‘city’s comprehensive infrastructure and resettlement program.’
Ipinanawagan rin ni Bishop Ongtioco na bigyan nawa ng kasiguruhan ang mga pasilidad na ibinibigay sa mga relocates at tiyakin na may mga sapat na pangunahing pangangailangan ang ISFs.
“Panawagan diyan ay let us give them a human home na itong mga ito ay tao, these are people itong descent treatment. Number two, yung location area dapat may mga basic needs like water, basic facilities, electricity, pagkatapos minsan ay walang kasiguruhan. These are things na kailangan kung hindi pa handa they should give a little allowance para matignan ng maigi,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Veritas Patrol.
Iginiit rin ng obispo ng Cubao na kilalanin nawa ng mga ahensya ng pamahalaan na namamahala ng relokasyon at demolisyon na laging isaalang – alang ang dignidad ng mga maralitang taga – lungsod.
“Siyempre hindi basta ni – relocate mo okay na dapat bigyan ng dangal, dignidad yung mga tao. Dapat may oppurtunities, makapag – hanapbuhay, malapit sa eskwelahan yung mga bata. Hindi sila conflicting in displace na wala silang masasandalan,” banggit pa ni Bishop Ongtioco sa Radyo Veritas.
Nauna na ring binaggit ng House Committee on Housing and Urban Development Committee na ang adoption ng in-city housing policy sa Metro Manila at relokasyon ng mga ahensiya ng gobyerno sa lalawigan ay magreresolba sa 55 million housing backlogs at mahigit 500 libong ISFs sa National Capital Region o NCR.