15,644 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang LInggo ng Adbiyento, 14 Disyembre 2023, Mt 11,11-15

“Ang sinumang may pandinig ay makinig.” Ito ang sabi ng huling linya sa narinig nating ebanghelyo. Totoo, di ba, hindi lahat ng may pandinig ay nakikinig. Minsan, naririnig natin ang sinasabi, pero hindi ang ibig sabihin. Ang tunay na nakikinig ay interesado, hindi lang sa sinasabi kundi, higit sa lahat, sa ibig sabihin.

Hindi sapat ang tenga para makinig. Kaya siguro sa aming mga Kapampangan, ang salita para sa “makinig” ay MAKIRAMDAM, kahit ang karaniwang translation nito sa Ingles ay “to feel.” Di ba iyon ang ibig nating sabihin sa Tagalog pag sinabing RAMDAM natin—pinakikiramdaman, hindi lang pinakikinggan? Siguro ang sabihin nito ay, para sa Kapampangan, ang tunay na pakikinig ay hindi lang sa pamamagitan ng tainga; lahat ng paraan ng pandama kailangan gamitin ng tao kapag gusto niyang umunawa. Nakikiramdam siya.

Ang taong matalas ang pakiramdam hindi lang sa sinasabi nakikinig kundi pati na rin sa hindi sinasabi o sa hindi masabi. Di ba ganyan si Hesus? Madalas nating marinig sa mga ebanghelyo na kahit hindi nagsasalita ang kausap o kaharap niya, alam niya ang nasa isip o kalooban nito. Hindi naman dahil meron siyang X-ray vision, kundi dahil mahusay makiramdam.

May tensyon sa ating pagbasa ngayon sa ebanghelyo sa pagitan ni Jesus at ng mga alagad na sugo ni Juan. Ipinatanong daw kasi ni Juan kung siya daw ba ang Mesiyas o maghahanap na lang siya ng iba? DAW. Palagay ko hindi talaga galing kay Juan ang question, kundi sa mga alagad na nang-iintriga dahil hindi nila matanggap ang pakikipagsosyalan ni Hesus sa mga taong may masamang reputasyon. Kaya imbes na sagutin niya nang diretso ang question, ganito ang sinabi niya sa kanila, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong nakikita at naririnig.” (Iyung totoo lang, hindi paunang hatol.)

Talaga namang kapag biased ang tao, minsan kahit mabuti na ang nasa harapan nila, masama pa rin ang nakikita o naririnig nila.

Ang santong ginugunita natin sa araw na ito ay ganito rin ang pinagdaanan—si San Juan de la Cruz. Ikinulong pa nga siya ng sariling mga kasamahan niya sa kongregasyon ng mga Carmelites. Matindi ang pinagdaanan niyang pagdurusa dahil kumampi siya kay Santa Teresa de Avila. Pero dahil sa pinagdaanan niya, mas lalong lumalim ang pag-unawa niya sa pananampalatayang Kristiyano. Imbes na maghinanakit, imbes na magtanim ng sama-ng-loob, nagpakumbaba siya, sinikap niyang alamin kung ano ang kanilang pinanggagalingan.

Iyon ang punto ng tula na isinulat niya tungkol sa pag-akyat sa bundok Karmelo. Matalinghaga. Hindi, aniya, hahantong sa KAGANAPAN (todo) ang sinuman kung hindi siya matutong dumaan sa landas ng KAWALAN (nada). Natutunan lang niya ito sa Panginoong Hesukristo. Ito ang tinatawag ni San Pablo na KENOSIS. Ang isantabi ang sarili upang mabigyang-puwang si Kristo sa buhay natin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,842 total views

 75,842 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 87,488 total views

 87,488 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,735 total views

 96,735 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,532 total views

 102,532 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,920 total views

 114,920 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 1,906 total views

 1,906 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 1,900 total views

 1,900 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 1,902 total views

 1,902 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 1,903 total views

 1,903 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 10,479 total views

 10,479 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 5,612 total views

 5,612 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 5,612 total views

 5,612 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PREJUDICE

 5,612 total views

 5,612 total views Homily for Wednesday of the 4th Wk in Ordinary Time, 31 January 2024, Mk 6:1-6 Mark says the people of Nazareth were “amazed” about the way Jesus preached in their synagogue. They seemed to have been actually impressed at the start. But as soon as they started asking questions like “Where did he

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANGALANAN

 21,465 total views

 21,465 total views Homiliya para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi, Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 23 ng Disyembre 2023, Lk 1:57-66 Isa sa pinakamahalagang silbi ng linggwahe para sa tao ay ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Kaya karamihan sa mga linggwahe ay mayroong diksyunaryo. Importante ang diksyunaryo lalo na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BASBAS, PAGPAPALA

 32,482 total views

 32,482 total views Homiliya para sa Pampitong Araw ng Simbang Gabi, Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 22 ng Disyembre 2023, Lk 1:46-56 Ang Magnificat ay isang “Awit ng Pagpapala”. Sino ang pinagpapala ni Mama Mary? Ang Panginoon. Teka, di ba baligtad? Di ba dapat Diyos ang nagpapala at tao ang pinagpapala? Kahapon ito ang pahayag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAGDADALANG-TIPAN

 24,647 total views

 24,647 total views Homiliya para sa Pang-anim na Araw ng Simbang Gabi, Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 21 ng Disyembre 2023, Lk 1:39-45 Ewan ko kung saan ba nanggaling ang tradisyon na si San Lukas daw ay isa sa mga pinakaunang pintor ng mga imahen ng mga santo at santa. Ang alam ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN (Part 2)

 20,569 total views

 20,569 total views Homiliya para sa Panlimang araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 20 Disyembre 2023, Lk 1:26-38 Tatawagin nating part 2 ang homily na ito. Part 2 ng ating pagninilay tungkol sa gawain ni angel Gabriel na maghatid ng mabuting balita. Kahapon ang binabalitaan ay si Zacarias; ngayon naman si Mama

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN

 22,674 total views

 22,674 total views Homiliya para sa Pang-apat ng araw ng Simbang Gabi, Martes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 19 Disyembre 2023, Lk 1:5-25 Nitong nakaraang Dec 8, pyestang Immaculate Conception, sa ordinasyon ng tatlong bagong pari ng Diocese of Kalookan, hindi si Mama Mary ang tinutukan ko ng pansin sa homily ko kundi si angel Gabriel.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SIMULAN SA LAYUNIN

 16,427 total views

 16,427 total views Homiliya para sa Pangalawang Araw ng Simbang Gabi, Ika-17 ng Disyembre 2023, Linggo ng Gaudete, Juan 1:6-8, 19-28 “Simulan ang lakbayin sa layunin.” (Begin with the end in mind.) Isa daw ito sa “seven habits of highly-effective people” sabi ni Steven Covey. Ito ang buod ng ating pagninilay ngayon tungkol sa simbahang nagmimisyon.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWA AT GAWA

 16,850 total views

 16,850 total views Homiliya para sa Unang Araw ng Simbang Gabi, Ika-16 ng Disyembre 2023, Juan 5:33-36 Tungkol sa SIMBAHANG NAGMIMISYON ang magiging general topic ng ating mga pagninilay nitong buong simbang gabi. Ito kasi ang pinaka-buod na layunin ng isang simbahang “sinodal” o sa simpleng salita, simbahang bukas at laging handang lumabas sa sarili para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top