57,934 total views
Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino.
Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno sa ilalim ng Archdiocese of Manila. Ang imahe ay hindi naapektuhan ng dalawang sunog na tumupok sa simbahan ng dalawang beses,dalawang malalakas na lindol, mga bagyo at pambobomba noong ikalawang digmaan pandaigdig (World War II).
Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay nagsisilbing tahanan ng hindi natutulog na imahe ni Hesus na sumasalubong sa mga devotee mula umaga hanggang gabi. Kada taon, ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Hesus Nazareno kung saan milyun-milyong devotee ang dumadalo at nakikiisa. Sa mga ordinaryong araw, masasaksihan mo sa Quiapo church ang nakaraming kuwento ng pananampalataya ng mga Filipino na matiyagang nakapila ng halos 8-oras ng walang reklamo. Nais lamang ng mga deboto na magdasal at mahipo ang imahe ni Jesus Nazareno. Napahaba din ang pila sa confession sa tanyag na simbahan.
Ang imahe ni Jesus Nazareno na pasan ang krus ay itinuturing na simbolo ng pag-asa(hope) at pagiging resilience(matatag) ng mga Filipino, lalu ang mga may mabigat na pasanin at problema sa buhay.
Kada taon, umaabot sa 12-milyong devotee ang nakikiisa sa tinatawag na “spectacular religious procession” na kilala bilang “TRASLACION” gayundin ang matalinhagang PAHALIK.
Ang TRASLACION ay paglilipat ng imahe ni Hesus Nazareno mula Quirino grandstand o Luneta patungong Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno, isang 400-taong tradisyon para gunitain ang pagpasan ni Hesus sa krus patungong Mt.Calvary(Jesus calvary). Sa TRASLACION, ipinu-prusisyon ang imahe ni Jesus Nazareno na nakasakay sa (andas) sa mga makasaysayan, masisikip na kalye at daanan sa lungsod ng Manila. Ang 4.3-kilometro na prusisyon ng mga nakapaang deboto ni Jesus Nazareno ay umaabot ng 19-oras bago makapasok sa minor basilica.
Napakahiwaga ang pagdi-debosyon kay Jesus Nazareno na mahirap maunawaan. Upang maunawaan mo ang matinding debosyon… Ipinaliwanag ni Luis Antonio Cardinal Tagle,Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization “ To understand the devotee you have to be a devotee. Only a devotee could best understand a devotee.”
Kapanalig, ang debosyon kay Jesus Nazareno ay bagamat maituturing na pisikal na sakrispiyo, mahirap maipaliwanag, pero sa mga deboto, ang mahabang oras na pila sa pahalik at halos 18-oras na prusisyon ng nakapaa ay “euphoria” para sa mga deboto, nagbibigay ito ng kagalakan at kasiyahan na makalakbay ang panginoon. Sinasabi ng mga deboto na ang pakikiisa sa paghihirap ni Jesus Nazareno ay katuparan ng kanilang kahilingan at mga dasal.
Kapanalig, kinikilala at ini-encourage ng simbahang katolika ang mga kilalang religious devotion. Hiniling din ni Pope Francis na suportahan, patatagin, unawain ang mga popular piety tulad ni Hesus Nazareno. Tayo ay tinawagan na magdebosyon, upang matagpuan at matamasa natin ang mga biyaya ng panginoon.
Sumainyo ang Katotohanan.






