Malalim na Pananampalataya, Taglay ng mga Pilipinong Delegado sa World Youth Day 2019

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 252 total views

Tiniyak ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na nakahanda at maasahan ang pagiging responsibleng kinatawan ng mga kabataang Filipinong delegado sa 2019 World Youth Day sa Panama.

Ayon kay Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng kumisyon, taglay at babaunin ng mga kabataang delegado ang mayaman at malalim na pananampalataya ng mga Filipino sa kanilang pakikilahok sa pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan.

Ibinahagi ng Pari na nasasabik na ang mga kabataang Filipino na makasalamuha ang iba pang mga kabataang delegado mula sa iba’t ibang bansa upang maibahagi ang mga kultura, tradisyon at pambihirang pananampalataya ng mga Filipino.

“Maasahan natin na yung mga lalahok ay magiging responsible, baon yung kayamanan ng pananampalataya bilang mga kabataan galing Pilipinas sa kanilang paglahok at pakikipagdaupang-palad sa mga kapwa kabataan na pelegrino o delegado mula sa iba’t ibang mga bansa…” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Pari na mas mapapayabong pa ng 2019 World Youth Day ang pananampalataya ng mga delegado partikular na ang mga kabataang Filipino na kanilang maaring magamit upang aktibong makilahok sa mga usaping panlipunan sa bansa.

Ayon kay Father Garganta, isang magandang opurtunidad ang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan upang mas mapatatag ang paninindigan sa pananampalataya at sa Panginoon.

Tiwala ang Pari na maipamalas at maibahagi ng mga kabataan sa kanilang muling pag-uwi sa Pilipinas ang kanilang mga nasaksihan, naranasan at natutunan mula sa iba pang mga kabataan na delegado mula sa ibang mga bansa.

“Mapayaman pa kung ano ang meron sila sa kanilang karanasan ng pananampalataya at mula sa karanasang yun sa pagbabalik sa kani-kanilang mga diyosesis, sa kanilang mga parokya, sa kanilang paaralan dahil may kasama tayong mga estudyante o sa kanilang mga organisasyon, maramdaman at mabakas sa kanila yung kanilang napulot at nadagdag na pagpapalalim o kaalaman tungkol sa pananampalataya…” pahayag ni Father Garganta.

Sa tala ng CBCP-ECY, mahigit sa 250 ang mga Filipinong delegado sa 2019 World Youth Day sa Panama sa ika-22 hanggang ika-27 ng Enero kabilang na ang mga Pari at mga Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,413 total views

 58,412 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,413 total views

 58,412 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,413 total views

 58,412 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,617 total views

 56,616 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,709 total views

 51,708 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top