Walk for Peace, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 452 total reads

Naging matagumpay ang Walk for Peace sa Kidapawan bilang bahagi ng panawagan sa malinis at tapat na halalan partikular na ang isinagawang plebisito para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, bukod sa Diyosesis ng Kidapawan kabilang din sa nakiisa sa ‘Walk for Peace’ ang Methodist church, iba’t ibang sektor sa lalawigan at ang regional Comelec office.
Ayon kay Bishop Bagaforo, ang bayan ng Carmen, Kabacan at Libongan lamang na nasasakop ng diyosesis ang magiging bahagi ng plebisito ngayong araw (Jan.21).

Inaasahan ding isasagawa ang plebisito sa ika-6 ng Pebrero hinggil sa BARMM sa iba pang teritoryo na nasasakupan ng Bangsamoro Organic Law.

Panalangin naman ni Bishop Bagaforo na maisagawa ang plebisito ng tahimik at ang pagboto ng mamamayan na ayon sa kanilang kagustuhan.

“Nawa ay bigyan mo ng lakas ng loob ang mamamayan na pumili ng ayon sa kanilang konsenya at kagustuhan. Wala kaming ibang hinihingi kundi ang iyong pagbabasbas at ang iyong pagmamahal sa aming lahat. Nawa ang lahat ng mga kababayan namin na kasama sa Bangsamoro Autonomous region ay ilayo sa masama ay yakapin mo ng iyong pagmamahal,” panalangin ni Bishop Bagaforo.

Sa kabuuan may dalawang milyon ang mga botante para sa isasagawang plebisito.

Bahagi din ng panawagan ang pagbabalik ng usapang pangkayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines at ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 72,627 total reads

 72,627 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 120,567 total reads

 120,567 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,438 total reads

 168,438 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,385 total reads

 272,385 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,077 total reads

 355,077 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top