Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang pagboto ay banal

SHARE THE TRUTH

 154 total views

Ito ang pagninilay ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines President Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas kaugnay sa kapangyarihang bumoto ng mga mamamayan sa nakatakdang May 2019 Midterm elections.

Ayon sa Arsobispo, banal ang pagboto sapagkat sa pamamagitan nito ay naipapahayag ang kalooban ng Diyos para sa bayan.

Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na kalakip ng pagboto ang dapat na masusing pagpili ng bawat botante katuwang ang Diyos sa pagpili ng mga kandidatong tunay na makapagpapabuti at hindi makakasama para sa bayan.

“Ang pagboto ay kapangyarihan, kapangyarihan ng mga mamamayan. Ang pagbagoto ay banal sapagkat ang pagboto ay dapat nating gamitin bilang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos para sa ating bayan. Ang pagboto ay pagpili at sa ating pagpili hindi natin maaring ihiwalay ang Diyos sapagkat ang pagpiling walang Diyos ay hindi makakabuti sa atin, sa katunayan ito ay makakasama para sa atin.” pagninilay ni Archbishop Villegas.

Ibinahagi rin ng Arsobispo ang tatlong dapat gawin ng mga botante sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal – ang See, Judge at Act.

SEE
Ayon kay Archbishop Villegas, mahalagang maging bukas ang kamalayan ng mga mamamayan sa nagaganap sa lipunan upang makita ang mga pinakamahalagang problemang dapat na matugunan sa bansa tulad na lamang ng kahirapan, katiwalian, karahasan, kabastusan at kasinungalingan.

Iginiit ng Arsobispo na mahalagang piliin at iboto ng mga botante ang mga opisyal na tunay na tutugon sa mga pangunahing suliraning ito sa lipunan upang ganap na mapabuti at mapaunlad ang bansa.

“See. Look around, see what is going on. Ano ang mga pinakamahalagang problema ng ating bansa? Nandiyan ang kahirapan, nandiyan ang corruption, nandiyan ang kamatayan, nandiyan ang karahasan, nandiyan ang kabastusan, nandiyan ang kasinungalingan. Ito ang namamayani sa ating bayan at kung tayo ay mamimili ng mamumuno sa atin, hanapin natin yung makatutulong upang yung kahirapan, yung kurapsyon, yung kultura ng kamatayan, yung kultura ng kabastusan, yung kultura ng fake news at kasinungalingan ay baligtarin natin upang makabuti para sa ating bayan.” ayon kay Archbishop Villegas.

JUDGE
Bukod sa pagiging mulat sa tunay na sitwasyon ng bayan hinikayat rin ng Arsobispo ang bawat isa na masusing kilatisin at husgahan ang mga kakayahan, kaalaman at katauhan ng mga kandidato sa pamamagitan ng pagsusuri sa tatlong “C”, ang kanilang Commitment, Competence at Character.

Paliwanag ni Archbishop Villegas, hindi dapat na basta maniwala ang mga botante sa anumang pangako ng mga pulitiko sa halip ay dapat na balikan at suriin ang kanilang performance o naging pagganap sa anumang reponsibilidad na kanilang ginampanan.

“Una Commitment, pakiusap ko sa inyo mga kapatid huwag na kayong maniwala sa pulitiko, sa kandidatong nangangako, ang tingnan nalang natin ay performance, ang tingnan nalang natin ano na ang nagawa nila sa bayan kung sila man ay nasa gobyerno o wala sa gobyerno.”Pangalawa ay Competence, ang ibig sabihin po ng Competence ay may kakayanan sapagkat hindi biro-biro ang mamuno ng bayan. Competence huwag po nating ipagkatiwala ang ating bansa sa mga taong walang malasakit at lalo na walang alam. “Pangatlo po ay character, ang isang maliit na janitor na nag-aapply ng trabaho, hinihingan ng NBI clearance kailangan wala siyang Criminal Record, pakiusap po mga minamahal kong kapatid mayroon pong mga kandidatong meron ng Criminal Record, meron pong mga kandidatong alam na natin ang ginawa laban sa bayan, laban sa batas. Pumili po tayo ng masusi, pumili po tayo ayon sa kalooban ng Diyos.” Apela ng Arsobispo.

ACT
Sa huli hinamon ng dating Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mamamayan na gamitin ng tama at tapat ang kapangyarihang bumoto sa pamamagitan ng paninindigan sa tunay na makabubuti para sa lahat tulad ng ninanais ng Panginoon.

Iginiit ni Archbishop Villegas na hindi dapat na magpadala sa anumang suhol na materyal o pinansyal ang mga botante sa halip ay kailangang manindigan para sa kabutihan at kinabukasan ng bayan.

Umaasa ang Arsobispo na maging matapang sa pagboto ang bawat Filipino sa nalalapit na May 2019 Midterm Elections upang maihalal ang mga karapat-dapat na mga opisyal at alisin sa kapangyarihan ang mga abusado na pinaglaruan at inabuso lamang ang tiwalang ipinagkaloob ng taumbayan.

“See, Judge, Act. Tayo ay bumoto ng may tapang, panindigan natin ito. Minsan hindi tayo pinapakinggan nagiging mahalaga lang tayong botante kapag panahon ng eleksyon sapagkat kailangan nila tayo, tapangan natin yung mga lumastangan sa atin, yung mga nagwalang bahala sa atin, yung mga nagnakaw sa atin, yung mga pumatay ng mahal natin sa buhay tapangan natin, panindigan natin at alisin natin sa kanila ang kapangyarihang pinaglaruan at kanilang inabuso.” hamon ni Archbishop Socrates Villegas.

Nasasaad sa Comelec Resolution No. 10418 na 18,081 ang mga posisyon na pupunuan ng nakatakdang May 2019 Midterm Elections kabilang na ang 12 senador, 59 na party-list representatives kasama na ang mga posisyon ng mga lider sa lokal na pamahalaan.

Click here to watch the video: SEE. ACT. JUDGE.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 4,806 total views

 4,806 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 12,287 total views

 12,287 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 25,427 total views

 25,427 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 31,400 total views

 31,400 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 37,155 total views

 37,155 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 8,017 total views

 8,017 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 13,830 total views

 13,830 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 14,961 total views

 14,961 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 10,435 total views

 10,435 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 16,869 total views

 16,869 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »
Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

 15,532 total views

 15,532 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

 15,108 total views

 15,108 total views Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR. Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese ng Malolos, naglabas ng pahayag laban sa Absolute Divorce Act

 15,837 total views

 15,837 total views Naglabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis ng Malolos patungkol sa panukalang batas na nagpapahintulot ng Absolute Divorce sa bansa. Sa pahayag ng diyosesis na may titulong ‘Pananagutan ang Pagmamahal’ ay binigyang diin ng Diyosesis ng Malolos na pinangangasiwaan ni Bishop Dennis Villarojo na mahalagang muling pagnilayan at suriin ang pagsasabatas ng diborsyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 28,084 total views

 28,084 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 28,459 total views

 28,459 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 28,960 total views

 28,960 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 32,632 total views

 32,632 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 32,159 total views

 32,159 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 33,732 total views

 33,732 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 35,766 total views

 35,766 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top