Malalim na Pananampalataya, Taglay ng mga Pilipinong Delegado sa World Youth Day 2019

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth na nakahanda at maasahan ang pagiging responsibleng kinatawan ng mga kabataang Filipinong delegado sa 2019 World Youth Day sa Panama.

Ayon kay Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng kumisyon, taglay at babaunin ng mga kabataang delegado ang mayaman at malalim na pananampalataya ng mga Filipino sa kanilang pakikilahok sa pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan.

Ibinahagi ng Pari na nasasabik na ang mga kabataang Filipino na makasalamuha ang iba pang mga kabataang delegado mula sa iba’t ibang bansa upang maibahagi ang mga kultura, tradisyon at pambihirang pananampalataya ng mga Filipino.

“Maasahan natin na yung mga lalahok ay magiging responsible, baon yung kayamanan ng pananampalataya bilang mga kabataan galing Pilipinas sa kanilang paglahok at pakikipagdaupang-palad sa mga kapwa kabataan na pelegrino o delegado mula sa iba’t ibang mga bansa…” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Pari na mas mapapayabong pa ng 2019 World Youth Day ang pananampalataya ng mga delegado partikular na ang mga kabataang Filipino na kanilang maaring magamit upang aktibong makilahok sa mga usaping panlipunan sa bansa.

Ayon kay Father Garganta, isang magandang opurtunidad ang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan upang mas mapatatag ang paninindigan sa pananampalataya at sa Panginoon.

Tiwala ang Pari na maipamalas at maibahagi ng mga kabataan sa kanilang muling pag-uwi sa Pilipinas ang kanilang mga nasaksihan, naranasan at natutunan mula sa iba pang mga kabataan na delegado mula sa ibang mga bansa.

“Mapayaman pa kung ano ang meron sila sa kanilang karanasan ng pananampalataya at mula sa karanasang yun sa pagbabalik sa kani-kanilang mga diyosesis, sa kanilang mga parokya, sa kanilang paaralan dahil may kasama tayong mga estudyante o sa kanilang mga organisasyon, maramdaman at mabakas sa kanila yung kanilang napulot at nadagdag na pagpapalalim o kaalaman tungkol sa pananampalataya…” pahayag ni Father Garganta.

Sa tala ng CBCP-ECY, mahigit sa 250 ang mga Filipinong delegado sa 2019 World Youth Day sa Panama sa ika-22 hanggang ika-27 ng Enero kabilang na ang mga Pari at mga Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 70,165 total reads

 70,165 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 118,320 total reads

 118,320 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 166,191 total reads

 166,191 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 270,137 total reads

 270,137 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 352,957 total reads

 352,957 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top